iv.

79 9 2
                                    

Hi guys! Updated na ulit! Votes and comment po kayo. :)

aeriel on multimedia ♥

-

Nandito ako ngayon sa bahay nila Max. Nagpaalam na pati ako kay mama na pupunta ako sa bahay ng kaklase ko. And please, don't think too much. Nandito ako sa bahay nya kasi kailangan ko ng masasandalan. Kasi pag kay Mama pa ko nag open sasabihan nya lang ako ng kung ano-ano.

"Max sobra sya! Bwisit!" Maktol ko kay Max. Nakaka-dalawang box na ko ng tissue. Sa sobrang iyak ko, plus yung sipon ko pa! Malapit ng maubos tong pangalawang box ng tissue.

"Sabi ko naman kasi sayo.. Tahan na aeriel." Sabi ni Max habang pinapatahan ako.

"Ang sama nya! Purkit pumogi sya ng sobra tsaka naging kilala sya ganon ugali nya! Nakakairita!" Maktol ko na naman sakanya. Lalong lumakas yung iyak ko. Si Max naman todo sa pagtahan sakin.

"Alam mo, dapat hindi ka naiiyak eh. Dapat hindi mo iniiyakan ang tulad nya." Sabi nya sakin habang hinaharap ako sakanya. Bigla syang ngumiti.

"Ang cute mo pag naiyak" sabi nya habang naka ngiti. Lu!? Nasinghot-singhot pa ko. Omg nakakahiya yon.

Bigla kong binaling yung tingin ko sa iba. Nakakahiya talaga yon.

"Wag ka ng umiyak. Wag mo ng iyakan yung Cloud na yon. Pag ba umiyak ka pappansinin ka na nya? Diba hinde?" Tumango ako sakanya. Pinunasan ko yung ilong ko at yung mga luha ko.

"Kwento ka nga tungkol sainyo. Kung paano kayi nagka-kilala. Kung bakit mo sya nagustuhan at kung bakit ka nya nakalimutan or kinalimutan." Sabi nya sakin.

Umayos ako ng upo bago magkwento. Nasa sahig kasi kami naka-upo.

"Ganto kasi yan.. Nung bata pa ko, Uhm.. siguro grade 6 ako nun. Loner na talaga ko simula't sapul. Naiyak ako nun ng bigla nya kong lapitan. Naging close kami tapos ang nakakatuwa pa dun, lagi nya kong nililibre ng Cotton Candy. Naging favorite namin dalawa yun. Biglang sinabi nya sakin na pupunta sya ng ibang bansa.. kaya ayun. Simula non nawalan na kami ng komyunikasyon." Kwento ko sakanya.

"Eh bakit mo sya nagustuhan?" Tanong nya sakin.

"Ewan. Kasi dati ang bait nya sakin. Sya yung Unang nakipagkaibigan sakin. Di ko nga inakala yun eh. Tapos pinapagtanggol nya ko dun sa mga umaaway sakin. 12 years old na kami pareho nun. Natural lang na magkagusto ako sakanya." Sagot ko.

"Eh bakit ka nya nakalimutan. Or baka naman sadya ka nyang kinalimutan." Sabi nanaman nya.

"Ewan. Siguro wala talaga syang pake sakin. Siguro kinaibigan nya lang ako..." habang sinasabi ko yun, napapaiyak na naman ako.

"Ay ganon ba.. Change topic na nga! Iiyak ka na naman eh." Sabi nya sakin. Habang inakbayan ako. Tinignan ko sya. Nakatingin sa sa kawalan.

Forever AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon