"Bro, teka dadaanan ko muna pala yung pinsan ko sa bahay. Sasama daw kase siya satin. Sa Manila raw gustong mag vacation." Sabi ni Dale, barkada ko.
Summer na, pero dahil sadyang masipag kami ay nag-take pa kami ng summer classes para advance kame at internship nalang ang poproblemahin namin next sem.
Lately rin ay halos walang ibang bukambibig si dale at yung kuya niya tungkol sa pinsan niya. Kaiirita nga eh, ilang mga basketball match din ang hindi namin na laro dahil palaging ume-entra yung pinsan nila. Psh.
"ano bang problema ng pinsan mo at gusto pang sumama sa Manila?" pinigilan kong huwag lumabas ang iritasyon sa boses ko.
"Wala naman. last year pa gustong magbakasyon nun, pero di ko pinayagan. Ayun nagtampo, halos buong taon akong di kinibo, kaya ngayon pag bibigyan ko na". Psh. What a brat.
"Saan naman siya titira? Mag-chechek in ba siya? Magastos yun" sabi ko.
"Nope. She'll live with us" sabi niya.
"What? Seryoso?!" hahayaan ba niyang tumira samin yung pinsan niya eh puro lalaki kami sa condo?! Baliw ba to?
"Oo nga, bakit bawal ba?" umiling na lang ako. Kung ako si Dale hindi ko hahayaan tumira ang pinsan kong babae sa isang bubong kasama ang Limang lalake. Tss. Boys are boys. Hindi niyo alam kung anong tumatakbo sa mga isip ng mga yan. Idagdag pang mga gago ang mga barkada naming.
"tsss. Alam ko yang iniisip mo Chris. Magkamatayan na kung sino man gagalaw sa pinsan ko. I'll make sure she's off limits sa inyong lahat." Sabi niya. Nagkibit balikat nalang ako at tinuloy ang pagmamaneho. Tinuro niya ang direksyon papunta sa bahay ng pinsan niya.
"Dale! Ang tagal mo naman eh! Kunin mo yung maleta ko dun sa kwarto, mabigat eh. Thankies" salubong nung babae kay Dale. Psh. What a brat.
Hanggang sa Nagbyahe na kami ulit. Ang daldal ng babae I mean ni Leigh. Leigh is her name. Ang ingay. Kairita.
"tsk. Ang boring naman. Paki-open naman yung radio Dale" Psh. Brat.
Inopen nga ni Dale ang radio, buti naman at maganda ang mga pinapatugtog kundi ay sinungitan ko na to.
"By the way, malayo ang biyahe, kumain na ba kayo?" tanong niya pa. ako lang ba naiirita sa kanya?
"Bakit, may pagkain ka bang dala?" okay, dahil pinsan siya ng kaibigan ko ay pakikisamahan ko siya.
"yepp! Nagbake ako ng cookies and brownies para may kinakain tayo along the way" agad siyang nangalkal sa malaki niyang shoulder bag at linabas ang isang Tupperware.
"Dale oh, Ahhhh" sinubuan niya ng brownie yung pinsan niya.
"God! Isang taon kong di natikman ang brownies mo leigh" Mukhang sarap na sarap naman si Dale. Psh. Ang OA neto.
"hey kuya, what's your name again? Eto brownies and cookies oh. Pasubo ka na lang kay Dale... errr... mukha atang awkward yun. Hehe kuha ka nalang if you like" tapos inabot niya kay Dale yung Tupperware na puno ng brownies.
Nang makatulog sa biyahe si leigh, ay halos maubos na ni Dale ang brownies. Curious lang ako kaya titikman ko.
"Don't eat when you're driving" sabi ni dale
"anong gusto mo? Susubuan mo ko? Hahaha" naalala ko yung sinabi ni leigh. Pssh. Baliw.
"yuck dude bromance! Hahaha" at hinayaan niya akong kumuha ng brownie. It's good.
"anong lasa?" tanong ni dale
"okay lang" tinawanan lang ako ni Dale nung kumuha ako ulit. Okay fine. Hindi lang 'good' ang lasa ng brownies. It was addicting to the point na busog ka na pero gusto mo pa.
BINABASA MO ANG
The Letter (P.S I'm in love with you) a two shot story
RomansaA two shot story 1. Her First Love 2. Her True Love