Chapter 15

30 7 0
                                    

Aimee's side...

"These oval-shaped glands located on the sides of a woman's uterus have an ability to produce and store eggs." Sabi ni Birch sa kaniya habang binibilugan ang larawan na nasa book.

"Ang galing! Ngayon ko lang nalaman na nangingitlog pala yung mga babae! Ang hirap siguro ng pinagdaanan ni mama nung nangitlog sya sakin." Masayang pagkakasabi ni Aimee.

Natulala na lang si Birch sa mga pinagsasabi niya. Hindi nito alam kung nagbibiro ba sya o seryoso.

"Siguro nung nasa loob palang ako ng itlog, hinihimas-himas na ni mama yung itlog para lumabas ako ng maluso..."

"Enough!" Hinampas ni Birch ang lamesa. "Bakit ba napakahina ng kokote mo?" Inis na sabi ni Birch sa kaniya. "Hindi nangingitlog ang mga babaeng mammals, pwede ba?! Ang b*bo mo!"

Nasaktan ng sobra si Aimee dahil sa mga sinabi ni Birch sa kaniya. Tumakbo siya palayo mula sa bahay nito. Nagtambay siya sa park, walang masyadong tao roon kaya malaya niyang nailalabas ang lahat ng saloobin niya. Pinunasan niya agad ang luha niya nang dumating si Birch.

"Sorry, hindi ko sinasadya."

"Hindi mo sinasadya na madulas ang dila mo? Tama naman kayo lahat, eh. B*bo ako. Hindi ko alam bakit pinilit pa ako ni mama na mag-aral pagkatapos kong mahinto ng ilang years dahil sa sakit ko. Kaya ending, wala akong alam at nagmumukha akong b*bo sa lahat." Hindi na napigilan ni Aimee na magsabi ng sama ng loob.

Naging tahimik ang buong paligid.

"Ang b*bo ko! Napakab*bo ko talaga!" Binulabog ni Birch ng sigaw nito ang buong park.

"Anong ginagawa mo?"

"Totoo naman na b*bo ako. Dahil hindi ko naisip na may pinagdadaanan ang bawat tao." Umupo na si Birch sa tabi niya.

Naging komportable sila na mag-share ng kwento, hanggang sa maging topic nila ang mga kalokohan na pinaggagawa ni Mikey.

(Napa-sneeze si Mikey, "Hirap talaga pag sikat, laging pinagtsitsismisan ng mga fans.")

Sa pagtsitsismisan nila, unti-unting napapalitan ang lungkot na nadarama ni Aimee ng kasiyahan. Napatitig sila sa isa't isa. At may spark na biglang dumapo sa kanilang mga katawan.

"OMG! Ano tong nararamdaman ko?" Exaggerated na iniisip ni Aimee.

Dahan-dahang lumalapit ang mukha nila sa isa't isa.

"OMG! Sa tuwing nakikita ko yung pagmumukha nya, naaalala ko yung itsura nya nung elementary kami." Sumagi sa isip nya yung mukhang tulok na pagmumukha ni Birch nung bata pa sila.

"May naisip ako." Biglang iniwas ni Birch ang tingin.

"Ano yun?"

******

Everyone's side...

Lahat kami ay naghahanda para bukas. Nangapuyat at pinaglaanan namin ng oras ang pagre-review kahit ang bawat isa ay may kaniya-kaniyang problema. Sa trabaho, pamilya o mapa-love life man. Well, this is part of highschool life.

******

Kinabukasan...

Maaga akong nag-exam para sa sarili ko. Balak ko ring ipag-take ng exam si kuya ngayong hapon kaya nagpalit na ako ng uniform na panlalaki. May binigay sakin si Zac na eyeglasses bago ako pumasok sa classroom.

"Para san to?"

"I won't let you sabotage your brother's grades, so wear those."

Hindi na ako kumibo at sinuot na lang yung glasses na binigay nya sakin. Kumuha na kami ng tig-iisang exam paper nung pagkapasa samin. Nagulat na lang ako nung makita kong may mga sagot na yung mga tanong. Kumuha ako ulit ng panibagong exam paper at ganun din ang kinalabasan. Nagtaka ako kaya tiningnan ko yung paper ng iba, halos lahat ay may sagot na kahit hindi pa naman nila sinasagutan iyon. Tinanggal ko yung suot kong eyeglasses at sinuot ng paulit-ulit. Doon ko lang na-realize na may cheat pala itong eyeglasses.

Parker UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon