Chapter 22

7 4 0
                                    

Binaba kami ng taxi sa mismong tapat ng bahay ng adoptive parents ni kuya. May halong kaba ang nararamdaman ko nung makita ko yung bahay nila. Hindi naman mukhang horror house yung bahay, maganda at malaki nga iyon sa katunayan. Pero hindi ko talaga alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko.

"I will stay here. I'm not allowed to go inside. No worries, I'll watch you over there." Tinuro ni Zac ang bubong ng isang mataas na bahay sa tapat ng bahay ng doctor na hindi kalayuan ang layo dito.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad, agad naman akong pinagbuksan ng gate ng isang guard nung mamukhaan ako bilang si kuya. Yung guard, parang mukhang criminal. Hindi man lang nakasuot ng uniform at napakasungit pa ng tingin.

Pagkapasok ko sa white house, nagsitinginan ang mga katulong sakin. Parang walang buhay ang presence ng bahay na to dahil sa mga expression ng mukha nila. Di bale na, mukhang wala pa yung father ni kuya kaya pagkakataon ko na to para dumiretso sa basement.

Kinuha ko yung nakatuping papel na binigay sakin ni kuya sa bulsa ko at binuklat yun. Ginuhit nya yung mapa ng house at sa likod nun yung instruction para sirain yung AI. Naintindihan ko naman ang drawing nya. At nahanap ko agad yung pasukan ng basement.

Wala akong makita dahil sa dilim kaya kinilabutan na naman ako. Kinuha ko yung cp ko at t-in-urn on yung flashlight. Nagtataka ako dahil walang kahit na anong gamit o yung sinasabi ni kuya na AI sa loob ng basement. Tiningnan ko ulit yung mapa baka kasi nagkamali lang ako ng pinasukan. Pero tama naman ang pinuntahan ko.

Nakaramdam ako ng ginaw kahit wala namang bintana sa basement. Nagulat na lang ako nang magsarado yung pinto ng basement at may biglang humawak pa sa balikat ko. Kinakabahang nilingon ko kung sino yung nasa likuran ko.

******

Zac's side...

Nang masagap ni Zac yung fear ko ay naghanda na siya ng sarili nya. Pupuntahan na sana niya ako pero bumalik din agad sa normal yung heartbeats ko.

******

My side...

"What are you doing here?" Tanong ni Dr. More nang lingunin ko siya.

"May hinahanap lang." Nakangiting sagot ko.

"I was about to go to your condo, but the maid told me that you're already here, that's why I immediately came here." Hindi nya na pinansin kung ano yung hinahanap ko. "Change your clothes. We're going out for dinner." Nag-umpisa na sya maglakad paalis.

"Waaah! Anong gagawin ko? Pano ko sasabihin kay kuya na hindi ko nahanap yung AI?" Tatakas na sana ako pero naisip ko na kailangan kong malaman kung nasaan ang AI na tinutukoy ni kuya. Pinalitan ko na ang suot kong jersey uniform ng formal na damit mula sa closet sa room ni kuya atsaka huminga ng malalim nang makita ang itsura ko sa salamin. "Wag kang kabahan, Mae. Tanungin mo siya kung nasaan yung AI sa basement." Pagpapalakas ko pa ng loob ko.

Nasa kotse na si Dr. More nung lumabas ako. Umupo ako sa passenger seat dahil ayokong makahalata siya na ibang tao ang kasama nya. Pero habang patungo kami sa destinasyon namin, nakakahalata pa rin siya sa mga kinikilos ko.

"Tanungin ko na ba sya kung san nya nilagay yun?"

"Nagpalit ka ng cellphone?" Napansin niya yung hawak kong cellphone.

Pinagpawisan ako sa tanong niya kahit naka-aircon naman pero mabuti na lang nakaisip ako agad ng sagot. "I lost my cellphone in the incident." Sabay tago ko ng phone ko sa bulsa ko. "Tanungin ko na kaya sya?" Naka-focus pa rin ako sa iniisip ko.

"Hindi mo yata dala ang kotse mo nung umuwi ka?" Tanong niya habang nagda-drive.

"Hindi pa gawa." Agad kong naisip na dahilan pero may halong kaba.

Parker UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon