Chapter 18

69 6 0
                                    

Chapter 18 - Untitled

Kayla's POV

Continuation........

M-mahal ako ni Daj?

Grabe napanga nga na lang ako sa sinabe ni Daj. Di ko in-expected na ganon yung sasabihin niya. Pumayag ako na magpaligaw sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun. Basta yun na lang ang lumabas sa bibig ko.

Kinuha na ni manang yung First Aid Kit pati na rin yung yelo. Nilagay ko yung yelo sa isang bimpo at binalot yun. Nilagay ko yun sa pasa niya sa bandang gilid ng noo niya.

Pinahid ko na yung bimpo sa noo niya.

"Masakit ba?" Tanong ko

"Oo, dito pa nga eh" turo niya sa labi niya.

"Asan?" Maya maya na-realize ko kung ano yung sinasabe niya. Bigla kong diniin yung bimpo sa noo niya.

"Aray naman!"

"Kaasar ka kasi!" Natawa lang siya.

"Ay nga pala, thank you sa pagligtas sakin"

"Wala yun. Saka hahayaan ko ba yung mahal ko dun na sinasaktan siyempre hindi." Ngumiti na lang ako.

***

Unknown POV

Grabi namimiss ko na ang anak ko. Siguro kasalanan din namin to kasi masyado kaming nababad sa trabaho. Pero para rin naman to sakanya.

"Roberto namimiss ko na ang anak natin"

"Hayaan mo makikita rin natin siya. Nilalagyan mo pa rin ba ng pera ang bank account niya?"

"Oo. Dun na nga siguro siya kumukuha ng pang gastos niya" yes nilalagyan namin ng pera yung bank account niya. Para meron pa rin siyang pang gastos niya.

At yun niyakap lang ako ng asawa ko. Sana talaga makita ka na namin.... Nicole.

***

Daj POV

Andito na kami ngayon sa room. Okay na ako. Medyo pagaling na yung mga sugat ko. Natanggal na rin si Chris sa school.

"Buti okay na kayo!" Isa

"Oo nga eh, kasi malapit na rin ang laban namin" Jerome

Tumango na lang kami. Nang matapos na ang klase. Hinila ko kaagad si Kayla sa may wrist niya.

"Aray ko naman Daj. Gusto mo hindi ako magpaligaw huh?" Sabi ni Kayla kaya napabitaw na lang ako sakanya.

"Ano? Takot ka?" Sabi ni Kayla sabay himas dun sa kamay niya.

"Halika na kasi" sabi ko at hinawakan ang kamay niya. At isinakay sa kotse ko. Pumunta kaming mall.

"Anong gagawin natin Daj?" Tanong niya

"Mag da-date" sabi ko. Tumango na lang siya. Kinikilig siguro.

"Saan mo gustong pumunta" tanong ko

"Sine!!!" Sabi niya na parang bata. "Sige" sabi ko naman at inakbayan siya. Bakit? Dumadamoves nga ako eh.

Pumila na ako para makabili ng ticket. Bumili na rin kami ng popcorn at juice.

Pumasok na kami. At umupo sa itaas. Alam niyo ba kung papanoorin namin? Horror lang naman. Ayaw niya pa nga ng horror eh. Pero sabi ko wag siyang matakot kasi andito naman ako. Kaya ayun pumayag rin.

Maya maya may scene na nakakatakot. Kaya halos lahat napasigaw kasama na rin tong katabi ko. Tumingin ako sa kanya at inakbayan siya. At sinandal ko yung ulo niya sa balikat ko.

Maya maya pagtingin ko sa kanya. Umiiyak na siya. Kaya nataranta naman ako.

"Kayla bakit ka umiiyak?" Tanong ko. Umiling lang siya. "Natatakot ka ba?" Tanong ko pa. Tumango naman siya.

"Halika wag na natin tapusin" sabi ko. At hinila na siya palabas ng sinehan.

"Per---" pinutol ko na yung sasabihin niya. "Shh. Kasalanan ko naman eh. Sorry nga pala kasi pinilit pa kitang manood ng horror. Yan tuloy naiyak ka" sabi ko sabay punas ng luha sa pisnge niya. "Tara kain na lang tayo. Saan mo gustong kumain?" sabi ko. "Jollibee"

At yun nga pumunta na kaming jollibee. At umorder. Ang takaw talaga ng babaing to.

Maya maya natapos na rin kaming kumain. Nag lakad lakad lang muna kami.

"Kayla Sorry talaga" sabi ko.

"It's okay Daj" sabi niya sabay ngiti ang ganda niya talaga naaadik ako sa mukha niya.

Hindi ko alam pero bigla kong hinawakan yung kamay niya at pinisil pisil. Tumingin siya sakin. Pero ngumiti lang ako sa kanya.

Kahit saang anggulo mong tignan. Ang ganda niya pa rin. Kayla is a beautiful girl in the world. Kaya lalo akong naiinlove sa kanya eh.

________________________________________________________

________________________________________________________

Ayan na wag kalilimutan Vomments. Sorry kung late UD sorry talaga. Bawi ako. At sa mga gustong magpadedicate, comment lang kayo.... Yun lang Saranghae~

Mr HEART Breaker [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon