Chapter 30

78 5 2
                                    

Chapter 30- Period

Kayla's Pov

Ang tagal naman ng Last sub Teacher namin. Andito naman si Daj sa tabi ko at nakaheadset habang nakapikit pero yung kamay niya nasa kamay ko rin nakasandal rin sakin yung ulo niya. Ang galing noh? Ginawa akong kama niya.

Mula dito naaamoy ko yung hininga niya at grabe lang ang Bangoo!

"Wag kang magalala mabango ka rin" sabi niya habang nakapikit pa rin at inaamoy ako.

Pinisil pisil niya yung kamay ko na para bang minamasahe. Maya maya dumating na rin si Mam kaya ginising ko na si Daj.

"Okay sorry class kung nalate ako. May inasikaso kasi kami sa office at pinagusapan namin kung saan gaganapin ang Fieldtrip niyo!" Bigla namang nagsigawan mga kaklase ko.

"Okay! Shhh. May ibibigay ako sainyong papel at pabasa na lang sa mga parents niyo kung gusto niyo sumali!" Sabi ni mam at pinamigay na yung papel.

"Sa Laguna tayo sa may EK!" Sabi ni Mam at nagsigawan na naman sila.

Binasa ko yung papel. 2,500? Teka may pera pa ba ako? Hayss.

Tumingin ako kay Daj.

"Sama ka?" Tanong ko sa kanya

"Kung sasama ka?" Sagot niya naman.

Tumango na lang ako. Titignan ko na lang sa Bank ko kung pera pa ako.

Maya maya nagdismiss na rin. Lumabas na rin kami nila Daj.

"Oy Best punta lang kaming Cafeteria ahh!"

"Sige Daj!" Sabi nung Eagles at nagpaalam na sila.

Kami na lang dalawa ni Daj ang natira dito.

"Ahm Daj? Ano uwi na ako?" Tanong ko sa kanya.

"Uuwi ka na? Mamaya na" Sabi ni Daj at nagpacute. Tss as if naman hahahaha

"Ahmm ano kasii... masakit tiyan ko tama!" Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Weh? Ayaw mo lang ako makasama eh!" Sabi niya

"Hindi kasi ano Daj... I have a Period" sabi ko sakanya.

Nagulat naman siya.

"Ayy? Hatid na kita at sasamahan kita sa Condo mo! Tutal wala akong magawa sa Bahay" sabi ni Daj.

Tumango na lang ako at sumakay na kami.

(BAHAY)

"Ahm wait ka lang jan ah!" Sabi ko sakanya at pumunta ng CR. Maya maya nakapagpalit na ako.

Daj's Pov

Maya maya lumabas na si Kayla mula sa Kwarto niya ng nakasimangot.

"Oh anong nangyare?" Sabi ko.

"Kasi IKAW EH!" Pasigaw niyang sabi.

"Hala? Anong ako?" Tanong ko.

"HINDI KO MABUKSAN YUNG PINTO NG CR AKALA KO MAKUKULONG NA AKO DUN! SUMISIGAW AKO SAYO EH! HINDI MO NAMAN ATA NARIRINIG KASI BUSY KA SA PINAPANOOD MO! BUTI NA LANG NABUKSAN KO ULIT! HUHUHU T.T" Sabi niya. Napakamot na lang ako sa batok ko.

Kaganina galit siya ngayon naman parang iiyak na. Ganito ba talaga kapag may kasama kang babaeng may period?

Lumapit naman ako sakanya at pinunasan yung Mga Luha. At niyakap siya.

"Shh. Sorry na! Wag ka ng umiyak hahahaha papanget ka niyan!" Sabi ko.

Maya maya nakaramdam ako ng sapak sa dibdib ko.

"Ewan ko sayo!" Sabi niya. Oh ayan na naman galit na naman siya.

"Shh. Joke lang Maganda ka na!" Sabi ko ng pinipigilan yung tawa ko. Nakakatuwa kasi yung itsura niya eh. Ang cute.

"Oo na! Wala ka namang magagawa eh! Na maganda ako!" Sabi niya.

Napangiti na lang ako.

Kahit araw araw pang magkaroon ng Period si Kayla Hahabaan ko ang pasensya ko para sa kanya.

-----------------------

HUHU! SORRY SA MATAGAL NA UD! NAGLOKO KASI ANG WATTY KO PERO THANKYOU KASI HINDI NIYO PA RIN INIWAN ANG STORYA NATO! KAHIT WALA NAMANG NAGCOCOMMENT HAHAHAHAHA. SALAMAAAT! MUAAHH

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr HEART Breaker [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon