Chapter 20

58 5 0
                                    

Chapter 20-kababata

Kayla's POV

Tsk. Sakit ng ulo ko. Wait, ano ba to? Bakit ang bigat? Dahan dahan kong dinilat yung mata ko. Lumingon ako sa gilid ko.

Yaaahhh! Bakit siya nandito. At bakit katabi ko pa siya? Yaahh! Nakakahiya. Hindi ako makagalaw. Paano ba naman nakayakap siya sakin.

Anung gagawin ko? Tumagilid ako para matignan siya. Grabe ang gwapo niya pala talaga noh? Ang ganda ng mata, ang tangos ng ilong, tapos yung lips niya grabe ang kissable. Waahh! Ano ba to?

"Tapos ka na ba sa pagpapantasiya sakin?" Tanong niya habang nakapikit pa rin at nakayakap sakin. Yaahhh! Gising ba siya.

Lalo tuloy akong nahihiya. "H-huh?" Tanong ko. Dinilat na niya yung mata niya. "Wala, halika kain na tayo" sabi niya at tumayo na…. Sumunod na lang rin ako sakanya.

Tsk. Bakit ba kasi siya nandito? At talagang sa tabi ko pa siya natulog ah. Pumunta na kaming kusina. Dito kasi sa condo ko parang bahay na rin. May kusina may sala, ganon!

So yun umupo na ako.

"Kayla oh kain ka na!" Sabi ni Daj. Alam niyo itong lalakeng toh. Parang hindi nanliligaw. Para kasing baliw eh.

Kahit na manliligaw ko yan, inaaway pa rin ako niyan. Ang bait niya noh! Tss. Baka gusto niya, hindi ko siya sagutin. Haha.

"Oo na!" Sabi ko na lang. Nga pala may itatanong ako dito sa lalakeng to.

"Hoy Daj! Bakit ka nandito? At bakit dito ka natulog? At sa tabi ko pa ah!" Sabi ko.

"Wala ka bang naaalala kagabi?" Daj.

Teka? A-anong naaalala?

"B-bakit may n-nangyari ba?"tanong ko.

Bigla siyang tumayo at lumapit sakin.

"Oo meron!" Sabi niya sabay smirk.

Bigla ko siyang tinulak.

"Baliw ka na ba?" Bwisit to

"Hahaha, siyempre joke lang" sabi niya sabay pat ng ulo ko.

"Eh bakit ka nga nandito?" Tanong ko.

"Eh kasi nga, wala lang gusto ko! Bakit ba!?" Daj

"You Want sapak?" Tanong ko

"No, I want kiss from you!" Daj. Ano ba to? Baliw talaga to.

Tsk. Hindi na lang ako nagsalita. Nang matapos na akong kumain. Nagbihis na ako. Maaga pa naman kaya papasok ako.

"Daj, alis na ako. Umalis ka na rin!" Sabi ko

"Sige! Sabay na tayo" sabi lang niya. At yun nga bumaba na kami.

Mr HEART Breaker [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon