Chapter 6

7 1 0
                                    

Sally's POV

Lahat kami rito ngayon ay nag aalala kay Patient 405. Jusko inday ano ba kasing katangahan ang nagawa ko!

Kargo de konsensya ko sya kasi ako ang nakaassign sa room nya kaya dapat talaga lagi akong alerto.

Baka matanggal pa ako nito sa serbisyo tatatlo na nga lang ang pasyenteng nakaassign sakin hindi ko pa magampanan nang maayos ang tungkulin ko huhu.

"Huy, Sally! Umupo ka nga at ako ang nahihilo sayo kakalakad mo dyan!" Tawag atensyon sakin ni Kuya Fred kasi napapansin nya na kanina pa ako pabalik balik ng lakad. Hindi kasi ako mapakali talaga.

"Kuya Fred, paano kung napahamak na pala si Patient 405? Ano hong gagawin ko?" Mangiyak ngiyak na naman ako.

"Ipagdasal mo nalang na hindi ganoon ang mangyari. Nangyayari talaga ang mga ganitong sitwasyon dito sa institution. Matagal na akong nagtatrabaho rito."

"Oo, Sally. Tama si Fred. Kahit kami nina Nurse Hannah at Nurse Yna naexperience namin to. Just take it as your lesson learned okay?" Sabi ni Nurse Gil.

Oo nga pala may 3 nurses dito na lalaki. Si Nurse Gil, Nurse Harrold at si Kuya Fred na slash driver. Matipuno ang pangangatawan ni Kuya Fred at sanay na sanay na ito magpacify ng mga pasyenteng nagwawala.

Si Nurse Harrold naman ay may sariling mundo hindi mahilig makihalobilo pero present naman sya ngayon dito sa lounge kung saan kami nagtipon tipon. Tulog naman ang mga pasyente naming iba at nakainom na rin ng gamot kaya ayos lang na pansamantala muna kaming nandito.

Si Nurse Gil matured kausap pero madalas maloko yan. Pinagtitripan ako minsan nyan nilalagyan ng thermometer palagi yung bulsa ko kahit di ko kelangan tapos sasabihin nya kelangan ko kasi lagi daw akong nilalagnat sa pawis. Bwiset diba? Kung bakit kasi palagi ako nakikita nyan na humahangos palagi at tumatagaktak ang pawis although may air condition naman ang institution.

Eto naman si Kuya Fred, ayon sa mga nasagap kong balibalita dito, ay bestfriend daw ito ng kapatid ni Doc Em. And magkaedad lang sila ni Doc kaya naman Fred ang tawag nya dito at hindi Nurse Fred. For the chika ang yours truly akala mo walang nagawang kasalanan hay...

"Fred!" Boses ni Doc Em yun nagmamadali syang lumapit samin. Magkakasama kami kanina pero lumayo muna si Doc dahil may kinausap ito sa phone kanina.

"Nahanap na si Jayden..."  kita ko sa mukha ni Doc Em ang kasiyahan kahit di ito nakangiti. Mabait talag si Doc Em sakin kahit maraming beses na akong pumapalpak eh paulit ulit nya ako binibigyan ng chance. Pero kanina sobrang takot ko kahit baka tuluyan na ako akong evict dahil sa sobrang lala ng nangyari.

"Thanks God!!" Bulalas ng mga nurses na kasamahan ko. Maging ako ay nabunutan ng tinik.

Agad namang tumayo si Kuya Fred at tinungo ang parking lot way kasunod si Doc Em. Kami naman ay nagsibalik na rin sa mga stations namin.

———

Emerald's POV

"Saan natin susunduin si Patient 405, Doc?" Tanong ni Fred pagkapasok namin ng kotse.

"Sa Adamas Mall. Tayo na at ng maihatid na rin natin si Oli sa orphanage para hindi na mag-alala sina Mother."

Direcho na sa kalye ang tingin ko. Nagpapasalamat ako at nahanap na sila. Mabuti nalang may nagreport na staff ng mall at tumawag sa number ko.

"Sige Doc Em. Isuot mo na seatbelt mo."

---

Pagkakita ko palang kay Oli ay sobrang saya ko na. Agad ko syang niyakap at hinalikan sa magkabilang pisngi. Parang ako yung Nanay niya tuloy eh!

Operation Saving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon