Chapter 13

5 1 0
                                    

Cordovan's POV

"Para kang nabagsakan ng langit at lupa dyan?Kahapon ka pa ganyan." Untag ni Keily sakin sa pamamagitan ng pagsiko sa braso.

"Wala to." 

"Kape gusto mo?" Sabay abot ng kape sakin tapos ay bumalik ulit sa vending machine para kumuha ulit ng isa pa.

"Hilig mo sa kape."

"Coffee is life ako paki mo ba?" Sabay irap sakin. Hay. Tinotoyo na naman to. Kanina lang okay to.

"Sure kang kape iniinom mo? Baka naman toyo talaga yan? Hahahaha!"

"Buang! Edi nagkabato ako! Alam mo, pag ako talagang tinoyo sayo talk to the hand ka talaga! Kuha mo lagi yung pikon ko!"

"Ikaw naman, di ka na naawa sa kaibigan mong broken."

"Broken? Yan ba ang broken eh ang lakas mo mang asar?!"

"Oo nga. Seryoso ako."

"Sino ba yan nanakit sayo at nang mapasalamatan ko dahil ang aga nyang nauntog!"

"Sobra ka sakin."

"Sobra ka rin naman sakin eh."

"Ha? May sinasabi ka ba?"

Nagkibit balikat lang sya sabay higop ng kape. Minsan talaga di ko to maintindihan. Mabilis magpalit ng mood.

"Bakit kasi gustong gusto mo yung Emerald...? Biglang tanong nya pero nasa paper cup na hawak nito ang kanyang atensyon.

"Hmm... Maganda sya. Mabait at sabi ng puso ko deserve syang alagaan at hindi paiyakin."

"Swerte naman nya..."

"Pero ako hindi."

"Bakit naman? Okay ka naman ah? Hindi ka nga lang kagwapuhan pero pwede na pagtyagaan. Hahahaha!"

"Anong hindi kagwapuhan?! Baka mahihiya nalang tumabi sakin si Jericho Rosales! Hahaha!"

"Lakas!"

"Kidding aside... Ako yung hindi swerte talaga. Hindi ako yung mahal nya. Kita ko sa mga mata nya kung gaano nya pinapahalagahan ang taong yun."

"Alam mo itagay nalang natin yan mamaya. Dun tayo sa Aris. Ayain ko mga friends natin."

"Baka hindi ko maenjoy."

"Sus! Cordovan pa ba?! Madaming babae dun sa bar. Mamili ka dun!"

"Para mo naman akong binebenta!"

"Oo pero sa mahal na presyo kita bebenta para walang bibili sayo. Mahal kita eh!"

Napamulagat ako sa aking narinig.

"O wag ka na magreact dyan. Alam ko naman na di mo ako kailanman mapapansin. Pero ayaw ko lang lumipas mga panahon na hindi ko man lang nasabi na gusto kita. Ayaw kong may pagsisihang bagay. Hindi ko hinihiling na gustuhin mo rin ako pero sana lang wag mong limitahan ang sarili mo na makakilala ng iba. Mas masaya ako pag masaya ka. Iwan na kita dyan, magra-rounds na ako. Basta mamaya sa Aris ha. Umayos ka Cordovan baka i-FO kita pag di ka nagmove on! Wag mo ko ginagalit!"

Naiwan akong walang masabi. Speechless na naman ako.

Scarlet's POV

Lahat ng mga tao dito sa ampunan abala sa pag aasikaso ng mga papeles nung batang si Oli. Hmp! Bakit ba andami gustong umampon sa batang yan?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Operation Saving HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon