Emerald's POV
Medyo nananakit ang aking batok sa pagod. Halos katatapos ko lang magrun ng evaluation ngayong umaga sa ilang mga pasyente sa 1st floor.
I'm doing this evaluation for interview and observance sa kanilang mga attitude at kung may mga changes ba after psychometric tests and recordings atsaka kung may mga additional medications na kelangan bago ko sila bigyan ng clearance para makalabas na ng institution.
Lahat kasi ng mga nakapasa sa evaluation tests na ginawa ko ay automatic na pinalilipat ko sa 1st floor where in mas madali na silang madadalaw ng kanilang mga guardians or pamilya.
Si Jayden ay malapit na rin mapabilang sa grupo ng mga pasyente sa 1st floor basta maipasa nya ang mga tests na gagawin sa kanya this coming week.
Hindi naman na sya gaya ng dati na suicidal case. Unti unti na syang may pagbabago sa character nya kaya naman naisip ko na maaari ko na syang i-undergo ng mga tests na kelangan para macheck ang kanyang current state.
Speaking of Jayden, it's been two days since that fire exit scene. Kahit pilit ko kalimutan yung mga sinabi ni Jayden sakin na masasakit hindi ko magawang mawaglit sa isip ko.
Napahinga nalang ako ng malalim. Wala ko mapagsabihan ng nararamdaman. Yung may makikinig lang at hindi ako iju-judge.
I'd wanted to have a person beside me na walang ibang gagawin kundi maging rant buddy ko lang pag namomoblema ako.
"Doc Em... may bisita po kayo." Si Sally iyon na parang alanganin pa kung papasok o hindi kasi kalahati ng katawan nito nasa labas pero halatang gusto talaga pumasok.
"Okay sige papasukin mo sya, Sally. Pasuyo na rin please ng coffee pasabi kay Fred."
"Copy po Doc!, pasok na raw ho kayo..."
Kasunod ng maluwang na pagbukas ng pinto ay bulto ng katawan ni Cordovan ang sumalubong saking paningin.
"Hey! Ano ginagawa mo dito? Kamusta?"
Napakamot ito sa ulo. Mukhang nahihiya na naman ito. Dahan dahan itong lumapit sabay abot ng bulaklak habang awkward na nakangiti.
"Pasensya na kung natameme ako nung date natin. Dyahe sayo. Napagalitan pa ako ni Ate."
"Wala yun. Bakit may pa-flowers ka pa. Pero thank you! Upo ka." Masayang inabot ko ang bulaklak at agad inamoy iyon.
"Sorry na rin pala kung nagpunta ako ng walang pasabi..."
"Ayos lang. No problem. Bakit pala napadalaw ka? Is there anything I could hel——"
"Emerald, Pwede ba kitang ligawan formally?" Putol nya sa sinasabi ko. Hawak nya na ang kamay ko. Na caught off guard naman ako at saglit na napatanga sa kanya. Parang nataranta ako ng very light sa kung ano ang irereply. Ganito pala feeling pag may nagcoconfess sayo? No wonder ganun si Jayden sakin. Slightly nakakailang pala.
"Doc Em ito na ang kape ny——" napatigil ang tinig na alam kong si Fred yun tapos kasabay niyon ay kapwa kami napalingon ni Cordovan sa kanya.
At para naman akong napapasong mabilis na hinila ang aking kamay dahil hindi ko inaasahan na naroroon din pala si Jayden na nasa likuran lang ni Sally.
Pakiramdam ko sobrang init ng pisngi ko ng mga oras na yun. Mygosh! Kaya tumikhim muna ako bago nagsalita kay Sally.
"Y-Yes Sally?"
"Ah eh... Doc Em. Kakausapin ka daw po ni Patient 405. Pero mukhang nakakistorbo po ata kami hehe."
"Ah okay sige. I'll attend his concern later. May bisita ako na need ko i-entertain muna." Sabi ko na nagkunwaring pormal kahit na ang totoo ay super tense ako.
BINABASA MO ANG
Operation Saving Him
Romance(A Story Sequel from Operation Seducing My Husband) "You love a man like me? You're crazy. I am no saint. Just take your love away cause I won't need it" -- Jayden