#KYLO23

30 1 0
                                    

» 23 «

Messages: Justin

Today 8:32pm

Jah where are you
Nandito na ko sa Grill, bakit umalis kayo?

Hala ka
Bakit ngayon ka lang?
Akala namin hindi ka na susunod
Hindi ka naman nagrereply

Sabi ko susunod ako di ba
Di nyo ko hinintay

Hoy ang tagal nga naming naghintay sayo. Halos 2 hours kami dyan
Wala namang Stell Acosta na nadating
Maghihintay sana kami kahit hanggang 10 eh may pasok pa si Aly bukas, di pwedeng gabihin masyado
Kaya kumain na kami
Nagme-message kami sayo ah

Hindi ko naman inexpect na gagabihin kami masyado. Kung alam ko lang.

Tsk tsk
Saan pa ba kasi kayo galing nila Megan? Akala ko ba sa Tagaytay lang kayo?
Dami naming text tinatanong ka namin kung anong oras ka pupunta o makakasunod ka pa
Hindi ka naman nareply

Hinatid ko pa kasi sya sa Sta. Rosa. Binilisan ko na nga ang pagd-drive para makaabot ako
Saka alam mo namang hindi talaga ako nagp-phone pag nagd-drive di ba. Kaya ngayon ko lang nabasa texts nyo. Naka-silent din ang phone ko kaya hindi ko rinig ang notif
San ba kayo ngayon?

Wala olats
Sabi mo di ikaw ang maghahatid sa Sta. Rosa kasi sasama ka samin

I have no choice
Ako yung pinakamalapit. Ibang route kasi sila James

Sus
Porket kasama si Megan kinalimutan na kami
Nakakasama ng loob
Ikaw lang ang kulang eh

Gago haha
San nga kayo? Puntahan ko kayo ngayon

De wala
Byahe na kami ihahatid na namin si Aly pauwi

Nagmessage ako kanina kay Aly bago kita replyan
Hindi sya nagrereply.
She didn't leave me on read either.

Pano nakakatampo ka
Nag-aaral nga dapat sya ngayon pero dahil inaya natin, sumama sya
Tapos ikaw naman ang wala
Gabi na nga kami pumunta para sure na nakauwi ka na galing Tagaytay tapos naghatid ka pa pala
Di mo man lang agad sinabi

Can I talk to her?
Sabihin mo may message ulit ako

Ayoko
Excited pa naman si Aly makita yung pasalubong natin
Tapos di na ulit sure kung kelan mauulit to kasi busy na sya sa med school
Dapat sayo inu-unfriend

Damn you, Jah

HAHAHAHAHAHAHA
Daya mo eh

Stop throwing tantrums like a 10-year old kid
Just tell me kung saan kayo pwedeng tagpuin para makabawi ako kay Aly
My treat
Dala ko na rin yung pasalubong ko sa kanya eh
Kahit saglit lang

😒

Dali.

Nasabi ko na
Kaso tumanggi
Mag-aaral pa raw sya eh
Pero samin pwede ka pang bumawi. Kami na lang ilibre mo

Tigilan mo ko

Luh pag samin biglang kuripot

Tampo ba talaga sya?

Oo nga
Ayaw nga ring buksan ang phone nya
Nagtatampo nga kasi pre yari ka
Hahahaha

Ginagago mo lang yata ako eh

Aba totoo nga
Tawagan mo pa

She's not answering
Nagriring ba yung phone nya?

Kitams
Oo
Ayaw lang talagang sagutin
Naku
Kung ako dito magpapalit na ko ng bias

🖕

HAHAHAHAAHHA ISA SA MGA NANGUNANG MAG-AYA SYA NAMAN PALA ANG WALA
May pagsabi pang "madali lang naman kami kaya makakasama ako"
Tapos
Tsk tsk tsk

Malapit na ba kayo sa condo nya?

Malapit-lapit na

Okay. I'm on my way.

Ay gagi
Stell suyo era na ba to???

Dami mong alam

Marami talaga
Gusto mo sabihin ko lahat ng alam ko?

🙃

HAHAAHAHAHAHAH
Best of luck, Stell 'drawing' Acosta

Kept You Like An Oath | EpistolaryWhere stories live. Discover now