#KYLO42

24 0 0
                                    

» 42 «

Messages: Maricxie

Today 11:18pm

Babae baka naman gusto mo nang umuwi
Nasa baba na kami ni Jeno hinihintay ka

Hala sorry
Pauwi na ko dre
Byahe na
Huhu sorry I forgot to message you

Hmp porket kasama mo si Stell kinalimutan mo na naman kami 🙄

Hahahahaha sorry na nga e 😆
Kanina pa kayo dyan?

Di naman
Eto kasing si Jeno sabi bumaba na kami
E sabi ko wala ka pa namang text
Pero mabuti na lang at bumaba na rin kami kasi malay ba naming nasa byahe ka na???

HAHAHAHAHA
Mamaya mo na ko pagalitan pag-uwi ko
Tho malayo-layo pa raw kami
Taas muna kayo ni Jeno tapos text ko na lang kayo pag malapit na kami

Shuta
Saan ba kasing lupalop umikot yung helicopter niyo ni Stell ha at ang layo ata ng inabot nyo

Ha
Teka pano mo nalaman yan e di ko pa naman yan naikikwento?!

Gaga sa igs ni Justin
Nakita ko

Ano

Nasa close friends naman
E kasali ako
Siguro para malaman namin kung saan ka dinala ni Stell
Kinabahan ka no

Potek na yan 🤣
Mamaya ko pa lang sana ikikwento

Hayaan mo na
Pero kaloka ha
Akala ba namin magdidinner lang kayong 2 kasama yung 4?
Bakit may helicopter?!

Hindi ko rin alam dre sa totoo lang 😆
Ang sabi lang din nila sakin e dinner lang
Tapos nang akala ko e pauwi na kami, nagulat ako nung nagpunta kami sa main building ng Sanchez Inc.
Yun pala sa helipad yung diretsyo namin
Tapos nandun na yung helicopter
Saka yung poging pilot
Pero mas pogi pa rin si Stell syempre
Then sabi ni Stell, sasakay daw kami dun. Lilibutin daw namin yung city gaya nung nasa bucket list ko
Literal na napanganga na lang ako sa turn of events 😭

Di ko rin kineri accla
Grabeng mangsurprise naman yang bias mo
Sure ka friends lang kayo niyan?

Maricxie 🤨
Ayan ka na naman

Gaga hindi na to sa pang-iisue no
Kasi naman
Isipin mo yung mga pinaggagagawa niyan for u netong mga nakaraang buwan
Di lang ako naimik kasi sabi mo friends kayo kahit iba yung nakikita ko
Tapos ayan
Yang pa-surprise na yan
Dre hindi basta-basta gagawin ng isang lalaki ang mga bagay na ganyan kung kaibigan lang ang tingin nya sa isang babae
Maniwala ka sakin

My god dre
Pinakakaba mo ko sa mga sinasabi mo e
Katabi ko si Stell
Dalawa lang kami sa sasakyan
Ayokong mailang 😩

Tangi bat ka naman maiilang
Maganda nga yan
Wala kayong ibang kasama
Malay mo may bigla yang sabihin
OMG
Ichika mo agad sakin ha

Gaga magtigil ka nga
Hahahahahaha
Kapapanood mo yan ng kdrama

Sus pero aminin mo nag-anticipate ka rin dahil sa sinabi ko

🙄

Bahala ka
Basta kung ako sayo, tatanungin ko na yan ngayon
Hindi naman kabawasan sa pagiging babae natin ang magtanong lalo na kapag naco-confuse tayo sa actions nila

Kept You Like An Oath | EpistolaryWhere stories live. Discover now