TULONG
Pumasok ako sa kuwarto at hinawakan ang kwintas na suot ko. Ibinigay ito ng enchantress sa panaginip ko.
"Tulungan mo ako." sabi ko bago pumikit.
Naramdaman ko na may humawak sa kamay ko kaya't nagmulat ako ng mata at nakita ko ang si Idris. Narito s'ya ngayon sa harap ko.
"Tulungan mo ako, Idris." hinawakan n'ya ang kamay ko bago nagliwanag ang buong katawan n'ya.
Naglaho si Idris at isang libro ang bumagsak sa sahig.
‘Encantamiento’ ang nakasulat sa balat ng libro.
Binuklat ko 'yon at nakita ko ang iba't ibang uri ng spell. Mas maliit ang librong ito kumpara sa librong mayroon si mama pero mas maraming spell ang laman nito.
Inilipat ko sa ibang pahina ang libro at bigla na lamang itong napunta sa kahuli-hulihang pahina at may nakasulat doon na.
‘Ikaw ang puputol sa hidwaan ng dalawang lahi. Nakasalalay sayo ang lahat.’
Naupo ako sa aking kama at binasa ang bawat spell na naroon. Hindi katulad ng libro ni mama na kailangan pang aralin, sa librong ito ay kailangan ko lamang bigkasin ang salita at gagana ang spell. Sinubukan kong hanapin ang spell para malaman ang sakit ng isang tao ngunit wala ito sa libro.
May nabasa rin ako kung paano tanggalin ang isang sumpa ngunit punit ang kalahati ng pahinang 'yon. Sinubukan kong hanapin at baka nasingit sa ibang parte ngunit wala.
Hindi ko naman siguro kakailanganin ang spell na 'yon.
Sinubukan ko ang spell para tingnan kung ano na ang kalagayan ngayon ni big boss. "Alamugerddee!" Nagpakita ang isang liwanag na para bang maliit na tv sa aking harapan at nakita ko ang natutulog na si big boss.
May mga taong nakapaligid sa kanya at isa naroon si Jade. Nakita ko rin ang lolo at tatay ni big boss pero nakatingin lamang ang mga ito kay big boss.
Sinubukan ko pang tingnan ang paligid kung nasan sila ngunit nawala ang liwanag. Mukhang limitado lamang ang oras na paggamit ng bawat spell.
Nang makita kong maayos na si big boss ay kumalma na ang isip ko. Itinabi ko ang libro sa ilalim ng aking unan at lumabas sa kuwarto upang hiramin ang cellphone ni mama.
Tatawagan ko si Miya para sabihing nauna na ako sa kanyang umuwi dahil nagkaroon ng emergency.
Nakailang ulit akong subok na tawagan s'ya pero hindi ito sumasagot. Nakakapagtaka lang na hindi n'ya sinasagot ang tawag.
"Bakit ayaw mong sagutin, Mina?" aligagang sabi ko.
Hindi talaga ito sumasagot kaya naman kinatok ko ang kuwarto ni mama.
"Hindi pa rin ang sagot ko, Jinx."
"Ma, hindi na ito tungkol doon. Hindi sumasagot si Miya sa tawag ko, nag-aalala na ako sa kanya," Binuksan ni mama ang pinto. "Hindi n'ya sinasagot ang tawag ko, ma."
"Alamugerddee!"
Nakita namin ang walang malay na si Miya, mukhang nasa kama s'ya at wala sa opisina. Napansin ko rin ang mga kamay n'ya na mukhang nakatali sa kanyang ulunan, bahagya ring nakataas ang suot n'yang long sleeves.
BINABASA MO ANG
Children of Prophecy: Curse Of Bloods
FantasyA girl named Beatrix Jinx is an enchantress who would do anything to help someone as long as she can. One day she bumped into someone turn out to be a vampire who've got cast by her mother will she be able to remove the spell herself? Started: June...