BIG BOSS
Ngayong araw dadating ang totoong big boss. Nakangiti kong sinuot ang id ko at binitbit ang aking bag bago lumabas ng kuwarto. Nakita ko ang nakatayong si Miya at nakaayos na.
"Good morning, Miya." bati ko.
Matamlay s'ya. "Morning."
"Okay ka lang?" tipid s'yang ngumiti sa akin bago tumango.
May kung ano sa kanya. Hinanap ko si mama gamit ang aking mga mata pero hindi ko s'ya nahigilap. Saan kaya naroon si mama sa ganitong oras? Namamalengke?
"Kumain na ba kayo?" Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses na 'yon nakita ko si mama may hawak hawak na libro.
"Hindi na po kami kakain, tita. May cafeteria naman sa building doon nalang po kami kakain ni, Jinx." tumango si mama.
"Aalis na agad kayo? Ang aga pa naman alas-singko palang ng umaga," Lumapit ako kay mama para humalik sa pisnge n'ya.
"Kailangang agahan namin ngayon, ma. Mauuna na po kami!" paalam ko.
Nang nasa byahe kami ni Miya ay hindi s'ya kumikibo hindi rin s'ya nagkukuwento sa kung anong nangyari sa kanya kahapon. Nakakapanibago.
Okay lang kaya itong kaibigan ko?
Nang marating namin ang aming destinasyon ay bumaba na kami ni Miya. Nauna s'yang pumasok dahil nagbayad pa ako ng pamasahe naming dalawa.
"Jinx... mauna na ako." tumango ako.
Baka pinagalitan kaagad ni sir Edmark. Kung pinagalitan na s'ya ni sir Edmark, nako! Lagot.
Umakyat na ako sa 22th floor para doon na maghintay kay big boss. For sure ay matutuwa iyon na maaga akong pumasok.
Bago pa man ako makatapak sa palapag na 'yon ay nakita ko na ang isang matangkad na mistisong lalaki. Walang reaksiyon ang kanyang mukha diretso lang ang kanyang tingin sa direksyon ko... sa akin?
"You're late." Tumalikod s'ya at nagpalakad papasok sa kanyang opisina.
Nakatayo pa rin ako at hindi makapagsalita. Ang mukha n'ya, mukha s'yang hindi totoo.
"What are you waiting for?! Get in here!" sigaw n'ya mula sa loob ng opisina.
"O-opo!" Patakbo akong pumasok sa opisina n'ya.
Pinantaasan n'ya ako ng kilay habang nakaupo s'ya sa swivel chair. Pilit akong ngumiti rito.
Anong nangyayari sa'kin? Kahapon ay malas at ngayon ay malas na naman? Grabe ka naman, tadhana.
"Introduce yourself."
"I-i'm Beatrix Jinx, 24 years old and your assistant secretary." he went poker-faced.
"Really? Ikaw?" tumango ako.
"You look like my future..." rinig kong sabi n'ya. Pero baka guni-guni ko lamang 'yon.
Binuksan n'ya ang drawer ng kanyang desk bago kinuha ang isang papel. Napansin ko rin ang gloves sa kamay n'ya. S'ya iyong nakasabay namin sa elevator.
"Hindi ba mainit?" tanong ko.
"Mainit?" tanong rin n'ya.
"May suot ka kasing gloves. Mainit naman dito sa pinas."
BINABASA MO ANG
Children of Prophecy: Curse Of Bloods
FantasyA girl named Beatrix Jinx is an enchantress who would do anything to help someone as long as she can. One day she bumped into someone turn out to be a vampire who've got cast by her mother will she be able to remove the spell herself? Started: June...