Kabanata 08

7 1 0
                                    

KATAUHAN

Nang makarating kami sa mall ay inuna naming puntahan ang arcade. Naglaro kami ni Miya ng ilang minuto doon pero may nararamdaman akong kakaiba. Pakiramdam ko ay may nanonood sa amin na may nakamasid sa ginagawa namin ngayon.

"Miya, alis na tayo." Hinawakan ko s'ya sa braso at hinila papaalis sa arcade. Nagpatianod nalang s'ya sa paghila ko sa kanya.

Minabuti kong pumunta sa hindi mataong lugar para makita ko kung sino man ang taong 'yon.

"Jinx, saan pa tayo gagala? Hinila mo na ako paalis sa arcade, hindi pa ako tapos maglaro," Tinapik tapik n'ya ang braso ko. "Sayang ang tokens ko roon."

Nilibot ko ng tingin ang buong lugar pero wala naman akong nakitang ibang tao. Nakahinga ako ng maayos nang maramdaman kong wala na sila. Buti na lang talaga at naramdaman ko agad.

Nagpatuloy na kami sa paggagala ni Miya, sinubukan rin naming bumalik sa arcade pero mas dumami na ang tao kaya kumain nalang kami.

"Sigurado ka bang ikaw nalang ang bibili ng cellphone mo? Samahan na kita." Hindi n'ya ako puwedeng samahan malalaman n'ya na bibilhan ko rin s'ya.

"Hindi na, gumala ka nalang muna tapos kita nalang tayo sa Lavana." sabi ko.

Nang maghiwalay kami ay mabilis akong pumunta sa bilihan ng cellphone. Mabilis akong nakabili dahil may nag-assisst agad sa akin.

Patakbo akong umalis sa shop na 'yon at pumunta sa Lavana. Ilang minuto na kong nandito pero wala pa si Miya, baka napano na s'ya? Sinubukan kong pakiramdam kung nasa panganib s'ya pero wala naman akong nararamdaman baka nawili lang 'yon sa paggala.

Tiningnan ko ang cellphone na binili ko para sa kanya matutuwa 'yon at maiiyak panigurado. Naupo na ako nang hindi agad s'ya dumating, ang tagal naman n'ya.

"Ang tagal mo, Miya." bulong ko.

Halos kalahating oras na akong naghihintay pero kahit anino ni Miya ay hindi ko makita. Binitbit ko ang cellphone na binili ko at sinubukan kong hanapin si Miya. Nagpunta ako sa arcade baka nandon s'ya pero wala, kahit sa kinainan namin kanina ay wala rin. Asan ka na ba, Miya?

Napansin ko ang isang keychain na nahulog sa sahig ng mall. Pinulot ko 'yon at nakilala ang keychain na 'yon. Ito ang keychain namin ni Miya na pinagawa pa sa Baguio.

Nasa malapit lang s'ya kaya naman hinanap ko s'ya hanggang sa makarating ako sa cr ng mga babae baka jumejebs lang s'ya.

Bago pa man ako makapasok ay narinig ko na ang ingay mula sa loob para bang may naglalabanan kaya agad kong binuksan ang pinto at nakita ang nakatagong si Miya sa likod ni Jade.

Nakita ko kung paano sinangga ni Jade ang lahat ng sipa at suntok ng mga lalaki at nang itinulak n'ya ang mga ito ay malakas silang tumalsik. Halos masira ang mga pinto ng bawat cubicle dahil sa pagtama doon ng mga lalaki. Nakita ko rin ang pag iiba ng kulay ng mata ni Jade ang kanyang kulay abong mata ay naging pula.

Bampira.

Kaagad akong lumapit kay Miya bago ito hinawakan ganon rin si Jade. Alam kong hindi nila puwedeng malaman na isa akong enchantress pero ngayong alam ko ring bampira si Jade at nasa panganib na naman si Miya, wala na akong magagawa.

Inisip ko ang itsura ng kuwarto ni Jade mula sa alaala ko. Naglaho kami mula sa cr ng mall at napunta sa kuwarto ni Jade.

Tumingin ako kay Miya at nakaawang ang mga labi nito. Gulat ang reaksiyon ng mukha n'ya at hindi pa rin makapaniwala.

"I'm right, your an enchantress." sabi ni Jade habang nakatingin sa akin.

"A-anong nangyari? Paanong nakapunta tayo d-dito? Enchantress?" Hindi pa rin s'ya makapaniwala sa nasaksihan n'ya.

Humarap ako kay Miya at hinawakan ang kamay n'ya. Ito na ang oras para ipagtapat ko ang totoong katauhan ko sa kanya, kaibigan ko s'ya at may tiwala ako sa kanya.

Huminga ako ng malalim at tiningnan s'ya sa mga mata. "Miya, isa akong enchantress." panimula ko.

"Kaya kong maglaho, magpagalaw ng bagay, panoorin ang nangyayari sa isang tao dahil kaya kong gumamit ng spell. Enchantress ako, Miya." umiling ito. Bumitaw s'ya sa akin at lumayo.

"Miya..."

Naging tahimik ang buong kuwarto ni Jade,  nakatingin lamang s'ya sa amin ni Miya at pinapanood kami.

Walang kahit anong lumabas sa bibig n'ya ng mga sandaling 'yon nakatingin lang s'ya at prinuproseso ang mga nangyari.

"B-bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin?" tanong ni Miya.

"Itinago ko ito para sa'yo, para samin ni mama," Nilapitan ko s'ya. "M-miya, hindi puwedeng malaman ng iba na hindi kami normal."

"Hindi rin ako normal." Lumingon si Miya kay Jade.

"Huwag mong sabihin na kapre ka naman?"

"Sa gwapo kong ito, kapre lang?! Hindi, no!" umirap ito.

"Bampira s'ya, Miya." saad ko.

Napatakip si Miya sa kanyang mga labi bago tiningnan ang nakatayong si Jade sa harap namin. Nagsalubong naman ang kilay ni Jade.

"What? Niligtas kita kanina, wala man lang bang thank you?" Napahilamos na lang ako sa aking mukha. Bakit parang walang nangyari? Parang hindi na nagulat mga to.

Nakita kong may sugat si Jade sa kamay n'ya kaya tinapik ko ang kamay ni Miya. Itinuro ko ang kamay ni Jade na may sugat at sininyasan s'yang gamitin 'yon.

Umirap pa ito sa akin bago tumayo at nagsalita. "Asan ang first aid kit mo dito?" tanong n'ya.

"Aanhin mo? Nasagutan ka ba kanina?" pabalik na tanong ni Jade.

Ayoko na sa dalawang ito. Parehong may saltik.

"Tungaw! Di ba ikaw 'tong nakipagsuntukan? Syempre ikaw ang may sugat." Tiningnan ni Jade ang kamay n'ya at nakita ang kamay n'ya.

Umalis si Jade at pumunta sa may kusina narinig ko pa ang pagbukas ng isang drawer at nang makabalik ito ay may bitbit na s'yang first aid kit.

Kinuha 'yon ni Miya sa kamay at pinaupo ito. Pinapanood ko lang sila habang ginagamot ni Miya so Jade. Bagay sila. Mukha silang teenager na mag-shota.

"Ikaw, Jade." panimula ko. "Bakit mo tinatagong bampira ka?"

Tumingin ito sa akin bago nagsalita. "Syempre matatakot ang isang tao kung sasabihin kong bampira ako. Gawin sabihin pa naman nilang nangangagat sa leeg mga bampira katulad ng mga palabas sa tv."

"Hindi ba kayo nangangagat sa leeg?" tanong ni Miya habang nilalagyan ng alcohol ang sugat ni Jade.

"Nangangagat. Gusto mo bang gawin ko sayo?" namula ang magkabilang pisnge ni Miya.

Kaagad na ibinuhos ni Miya ang alcohol sa sugat ni Jade.

"Ouch!" tiningnan nito ng masama si Miya.

Andito ako nakaupo sa may kama ni Jade at pinanood silang magbangayan habang nililinis nk Miya ang sugat n'ya. Mukha talagang mag-shota.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Children of Prophecy: Curse Of Bloods Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon