JACK POV
"Jack your crazy!! di ako papayag sa gusto mong gawin!!"
"pero Cliche sya lang ang paraan para magkabalikan kami ni Kristine.."
"marami namang nagkakagusto sayong iba d'ba!! bakit ang bestfriend ko pa ang gagamitin mo??!!"
"dahil alam kong mabait si Hanna at di sya gaya ng ibang babae, karespe-respeto siya tsaka bestfriend mo din ako Cliche.."
"parehas ko kayong bestfriend! at mali ang ginagawa mo!!"
"alam mong mahal na mahal ko si Kristine.."
"break up with Hanna, habang maaga pa! wag mo syang paasahin jack!!"
"hindi ako makikipagbreak sa kanya hanggang hindi bumabalik si Kristine!"
"Jack hindi na kita kilala! naririnig mo ba yang mga sinasabi mo??!!"
"alam kong mali pero handa akong gawin kung kapalet ay ang pagbalik ni Kristine.."
"paano ka nakakasiguro na babalikan ka pa ni Kristine??"
"dahil nararamdaman at nakikita ko sa kanya!"
"Jack please.. stop this.."
"sorry Cliche.. but don't worry im not taking advantage to Hanna.."
"sasabihin ko kay Hanna ang lahat!"
biglang tumakbo na umiiyak si Cliche palabas ng room.. sorry pero di ko magagawa ang gusto mo.. Alam ko na napakasama ko, dahil ginagamit ko si Hanna para bumalik sakin si Kristine. Mahal ko lang talaga sya at handa akong gawin kahit ano..
CLICHE POV
tumakbo ako papunta sa rooftop at dun ako umiyak ng umiyak..
Jack, ang sama mo! alam ko kung gaano ka kamahal ni Hanna, noon pa lang mahal ka na nya! ayoko syang masaktan.
biglang may humawak sa balikat ko,
"Cliche bakit ka umiiyak??"
ang mala-anghel na boses na yun. Ngayon pa lang dinudurog na ang puso ko.
niyakap ko agad sya..
"Hanna.."
hinahagod nya yung likod ko.
"Cliche bakit?? may umaway ba sayo?? gusto mo awayin ko sya??"
mas lalo akong napaiyak sa mga sinabi nya, kaya mo kayang awayin si Jack??
"hanna si jack g---"
hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil nagsalita sya na mas lalong ikinadurog ng puso ko..
"cliche hindi ka dapat nalulungkot gayahin mo ako, masayang masaya ako kasi mahal ako ni jack.. dapat masaya ka din.."
"hanna.."
napahagulgol na ako sa mga sinabi nya. Hanna.. bakit??
"hanna!"
napalingon kami parehas, nakita ko si jack. Nag-aalala ang nakikita ko sa mga mata nya, nag-aalala sya na baka sinabi ko na kay hanna ang totoo.
"oh jack, miss mo na agad ako:)"
"aa.. o-oo."
sinungaling!
"hanna una na ako.."
sabi ko sabay punas ng mga luha sa pisngi ko.
"cliche okay ka na ba??"