Ako si Sing (di ko tunay na pangalan) na isang gamer at nakatira sa ibang bansa. Nagsimula ako maging gamer sa edad na 4 at nagsimula ito sa Playstation 1 (PS1). Una kong nilalaro noon ay Mario, Donkey Kong, Crash Bandicoot at marami pang iba. Ang akala ng magulang ko ay magsasawa ako sa kakalaro pero hindi, habang patanda ng patanda ay parang sinasabi namin sa isip namin na "Gusto ko pa maglaro. Gusto ko pa nang iba't ibang uri ng plataporma at mga laro". Hanggang sa iuwi ako sa Pinas upang pag-aralin ng elementarya at dun ko nasubukan naman gumamit ng Computer. Sa Computer ko natutunang laruin ang GTA, Counter-Strike at syempre Dota. Ang GTA o kaya'y Grand Theft Auto ay isang "open-world" na kung saan ay pwede mong libutin ang buong lugar; pwede ka magdrive ng kotse, motor, helicopter, tanke at kung minsan ay bangka. Ngunit may parte na ikaw ay may gagawin misyon na ikaw magiging kriminal (sa laro) na kung saan magnanakaw ka ng bagay o papatay ka ng tao. Ang Counter-Strike ay isang MOBA (Multiplayer Online Battle Arena) ay isang laro kung paano mangyayari ang isang barilan. Pwede kang gumamit ng iba't ibang uri ng mga baril at kahit ilan kayong magkakakampi ay pwede at hindi ito matatapos hanggang hindi nagkakaubusan ang dalawang grupo. At ang huli ay Dota (Defense Of The Ancient) isa rin itong MOBA na sikat ngayon kagaya ito ng Counter Strike pero hanggang limang tao sa isang grupo. Kaya sinabi na "ancient" ay dahil ang mga magagamit mo ay mga "mythical creatures" na kung tatawagin ay mga nilalang noong unang panahon tulad ng centaur, satyrs, night elf, trolls, undead, orc, dragon at iba pa. Para lumakas ay dapat mag-ipon ka ng pera para sa bagay na gusto mong bilin para kumunat, lumakas at bumilis. Maraming nagseryoso sa laro na ito hanggang sa may dumarating na mga laban ng Dota o mga tournament at may mga naglalakihang mga premyo na minsan ay umaabot ng isang milyong dolyar para sa panalo o higit pa at ang tawag nila dito ay The International Dota 2 Championship (TI). May sampo o higit pang grupo ang maglalaban-laban na galing sa Asya, Europa, Amerika at iba para maglaban-laban at manalo. At eto ako ngayon lumalaban sa ibang bansa para manalo, makilala, sumikat at syempre para mag ka-pera . Maghapong naglalaro pero dapat bago sumali ay suportado ka ng magulang mo o kung sino sa pamilya mo para pagbutihin mo. Kaya ito suportado naman ako ng aking ina dahil sa may naidudulot akong pera mula sa aking mga panalo ngunit ang aking ama naman ay di sang-ayon dahil sinasayang ko lang daw oras ko. Pero ito lumalaban parin.
-End of chapter 1-
-Hintay sa chapter 2-
BINABASA MO ANG
Gaming o Pagmamahal
Fiksi RemajaAno pipiliin mo? Mga larong nakapagbibigay ligaya sayo o babaeng magmamahal sayo?