Chapter 4: Pissed Off

11 1 0
                                    

Arvy's POV

"Hindi ko na kakayanin 'to, ikakamatay ko na talaga 'to." Pag da-drama ni Jewel, Hindi lang pala fashion alam nya, drama rin. dalawang linggo narin simula nung pag uusap nila ni Rayne, Ayun! Gumagawa ng magandang designs para sa ilagay sa posters. Si jewel lahat ang gumawa.

"Okay lang 'yan cous! matatapos mo rin yan." Tinapik ko ang likod nya. Inaasar ko lang naman sya e. Kami nalang siguro ang natira dito sa loob ng room kasi lunch break na, Ayaw nyang maiwan kaya sinamahan ko, Gutom na talaga ako. Kasi naman 'tong si jewel e. Kung tutuusin kasalanan 'to lahat nung Rayne na 'yun kung bakit nag suffer ng ganito si jewel. Pero okay narin at least may ginagawa si jewel. kahit papano gamit na nya utak nya. haha.

"Guy's Ayaw nyo pa bang mag lunch?" Biglang sulpot ni emily. Busy na kasi si Yassi sa pagiging cheerleader nya kaya sumasama na sya minsan sa mates nya.

"Sigi." Tumingin ako ky jewel na naka busangot. "Kakain muna ako jew, Ayaw kung magutom. bahala ka na nga dyan, bumili ka na lang kaya ng pagkain? bakit ba kasi pinag bi-busy-han mo 'yan? ganyan na ba talaga sya ka importante sa'yo?"

"Hindi no, para matapos na, at tantanan na ako nung mokong na 'yun."

"Bahala ka kung ayaw mong makinig." Tapos lumabas na ako at pumuntang cafeteria.

Cafeteria

Umupo ako agad sa table nina Emily, ngumiti lang sila at nginitian ko din.

"Bili muna ako ng pagkain girls." Paalam ko. Tumango sila at lumakad na ako papuntang bilihan, Hindi na masyadong mataas ang pila kasi naka bili naman na sila, Mga 6 persons lang siguro yung naka pila Pati ako. Naka alis na 'yung Nasa harapan, Malapit na. nung dalawa nalang kami ngumiti na ako kasi nga ako na susunod. Pero napansin ko na parang kanina pa sya tumingin tingin sa mga meals pero hindi naman bumibili.

"Excuse me," Lumingon sya sakin na naka kunot ang noo. "Hindi ka ba bibili? Kung tatayo ka lang dyan paunahin mo muna ako kasi nagugutom na talaga ako." Pakikiusap ko, First time ko 'tong nagawa sa ibang tao, kila mama lang ako nakikiusap kasi. Tinitigan nya lang ako. May topak ata 'to. Kainis! Ano bang problema nya? ipapaalis ko na sana ng may dumating na dalawang lalaki at niyakap yakap at ginulo yung buhok nya, Kaibigan nya ata. Umayos sila at nag linyahan, at ng insert pa talaga sa linya ah? Mukhang di nila ako napansin e. Ano ako dito? Kainis!

"Teka nga," Sabi ko sa kanila habang naka pamewang, Lumingon sila sakin at nag kibi balikat at tumalikod na. Aba't ginagalit talaga ako. "Hoy! Sino bang nauna dito? Kaya alis kayo dyan, alis!" Pasigaw kong pag sabi sa kanila, tiningnan lang nila ako ng naka kunot ang noo.

"gf mo ba 'to?" Tanong nung isang kaibigan nya. Ako? gf ng masungit na 'yun? kelan pa? parang wala akong naaalala. Umirap lang sya at nag 'tss' bilang sagot.

"Lilinawin ko lang ha? Hindi kami mag boyfriend, hindi ko nga 'yan kilala e. Sungit sungit pa! at pwede ba? pabilihin nyo na ako? kasi gutom na gutom na talaga ako." Nag tawanan lang sila sa sinabi ko. Naiinis na ako sa kanila, hindi ko na talaga kayang pigilan ang sarili ko, sasapakin ko na talaga sila, pati 'yung supladong asungot na 'yun. hinila ko siya gamit ang kwelyo nya at mas hinigpitan pa nung nakalapit na sya sakin, nag titigan lang kami, hindi ako magpapatalo, habang yung dalawa pilit na tinatanggal ang kamay ko. "Bitiwan mo ang kamay ko, kundi, patay 'tong kaibigan nyo," pagbabanta kong boses pero hindi sila nakinig, inuubos nila ang pasensya ko, bwisit! "Bitaw sabi!" Sigaw ko at tuluyan na syang sinuntok, Binitiwan ko na siya agad at napa upo sa sahig, Award nya sa pagkakaroon ng mga kaibigan na matitigas ang ulo. Agad natahimik ang buong paligid at tumingin lahat saamin.

"Tol! Okay ka lang?" Tanong nung kaibigan nya at inalalayan syang tumayo. Habang hinihimas himas nya ang pisngi na natamaan at tiningnan ako ng masama.

The Four AmazonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon