Chapter 15: comforter

17 1 0
                                    

Yhana's POV

Ano bang ibig sabihin ni Arvy? Hindi ko sya maintindihan pero pag ganito alam kong magwawala yun pag hindi ako sumunod. Umalis na agad ako sa bahay gamit yung kotse at pumunta sa senend na spot ni Arvy..


Sa La Mesa Ecopark daw sa QC!

I'm on the way!

Sent!

Mga 15 minutes ay nakarating narin ako, tenecks ko sya sabi nya nandun daw sila sa Salt water swimming pool kaya pumunta na agad ako duun.

Nakita ko na agad si Arvy at parang kasama nya pa si.. Hot ba yun? Takte! Bakit? Nag dalawang isip tuloy ako na lumapit pero nakita nila ako at tinawag kaya wala na akong choice.

"Yhana! Bilisan mo." Sigaw ni Arvy, nag aalangan akong lumapit sa kanila pero parang galit na yata si Arvy.

Nung nasa harapan na nila ako ay naka panewang na nakatingin si Arvy sakin.

"Mag uusap tayong tatlo ng totohanan, walang mag sisinungaling." -Arvy.

"For what?" Sagot ko. Iniiwasan ko nga si Hot pero nagkalapit parin kami.

"Yhan, I want you to be honest with this picture, what's the meaning of this Yhan?" Sabay pakita ni Arvy ng picture, Paano.. "Sabihin mo Yhan!"

Napatulo nalang yung luha ko bigla habang naka tingin lang sa picture,

"Hindi ko lubos maisip na nakaya mong mag lihim samin ng mga pinsan mo Yhan!"

"I'm sorry!"

"Wait! Ikaw si Oona?" Tanong ni Hot.

Napatingin ako sa kanila ng palipat lipat, hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin, hindi ko naman inaasahan na malalaman nila ng ganito ka aga e, pero paano ba dapat? Pinangungunahan ako ng takot at kaba.

"Pano kung sabihin kong oo? Ako ang sinasabi mong Oona? Pasensya na talaga kong di ko sinabi agad." Tapos tuloy na yung pag luha ko.

"Yhan! Ano ba? Kung sinabi mo nalang samin ng maaga ha? Edi di na tayo nagka problema pa diba?" Galit na sabi ni Arvy,

"Oona, ba't di ka agad nagpakilala? Ilang taon ka hindi nagpakita lam mo ba yung Feeling na naghihintay ka sa wala? Tanda-tanda ko pa nung August 3 year 2008 nun nung nawala ka, ito na nga yung last Picture natin e," sabay pakita nya nung picture

"August 3? Yan ang araw na pumunta tayo ng states diba para ecelebrate yung birthday ni Yassi dun? So-" hindi ko na pinatapos si Arvy at nag salita na ako.

"Oo!! Oo Arvy, nung pumunta tayo sa states yun narin yung huli naming pagkikita ni Hot, kaibigan ko lang naman sya e pero di ko alam na sasabihin nya na ayaw na daw nya akong mawala sa tabi nya, gusto nadaw nya ako maging best friend, hindi ko muna sya iniwan nun kasi may sakit pa sya nun Pero sana naman gumaling ka na sa sakit mo ngayon Hot, Nag pakilala ako sa'yo bilang Oona kasi nakita ko lang naman yun sa isang nag titinda ng Ice cream e, kaya pasensya na talaga Hot, Arvy, sana mapatawad nyo ako." Sabay lakad ko palayo.

Di ko akalaing isang Yhana Fuertez ay Iiyak sa ganitong sitwasyon, na kokonsensya na kasi ako e,

Pumunta ako dun malapit sa lake na pwede ka mag boating and fishing tapos nag lakad lakad nalang din ako habang pinupunasan yung luha.

Nakakainis kasi, bakit ako umiiyak ngayon, Yhana dapat maging matapang ka, di ka ganyan nun diba? Bakit ba kasi bumalik si Hot? Hindi ko naman inaasahan na ganun nalang pala ang paghihintay nya sakin e. Big deal na pala sa kanya yun.

"Oh!" Biglang may nagbigay ng panyo sakin mula sa likuran kaya nilingon ko muna yun at nakita Ko si Te-Ted nga ba yung pangalan nya? Nakangiti lang siyang tumingin sakin habang nag offer ng panyo. "Take it, or I'll be the one to wipe your tears," kinuha ko naman agad. Alangan naman sya ipapapunas ko ng luha ko. Swerte lang nya.

The Four AmazonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon