Chapter 12: That's Life...

23 2 1
                                    

Yassi's POV.

The Hell.. Bakit ang iingay nila? Shete! Sasabug na ako sa Galit dito. Peste! Inaantok parin ako. Parang bulkan na ako na sasabog dito. Tumayo ako at hinagis ng bag ang pader para mapatahimik sila. Mukhang na gets din naman nila kaya Natigil sila. Bwisit! 'Yun lang pala ang gagawin e. Bumalik agad ako sa pag tulog at tinakpan ng unan ang tenga ko. Maya maya ay nag tawanan na naman sila. Shete parang Bidyokihan na ang bahay namin dahil panay ang pag kanta nila kahit ang sisintunado ng boses, Nakaka inis na Tumayo ako ulit at Ginulo ang buhok ko. Napatingin ako sa Orasan. Aba, Ala Una na. Nagawa pa ba talaga nilang Mag pataasan ng boses ng ganito ka Aga? Mababaliw na talaga ako. Hindi ko na kakayanin 'to.

"HOY!!! MGA ASWANG! ANG IINGAY NYO, TAPOS NA ANG CURFEW NYO.. UMAGA NA! MAMAYANG GABI NA ULIT KAYO MAG HASIK NG LAGIM!!" Sigaw ko sa kanila..Pucha! Pati Beauty Sleep ko nasira ng mga aswang na 'yun. Dapat Tuwing Gabi lang sila nag hahasik ng Lagim. Ang dami ng Taong nagising dahil sa kanila. Kasali na ako dun, Ang Napaka gandang Prinsesa sa balat ng lupa, Pero nasira 'yung beauty sleep ng prinsesa dahil sa mga Witch sa Kastilyo. Huwahaha!

Bumalik agad ako sa pag higa at matutulog na sana ulit pero Halos mapatalon na ako ng nag ingay sila sa pintuan. Tinakpan ko nalang ng unan ang tenga ko, Bahala sila dyan. Kahit anong pag sipa ang gawin nila, wala lang akong pakialam.

"HUY! Feeling prinsesa lumabas ka dyan! Humanda ka talaga samin pag nabuksan namin 'tong bulok mong pinto." Aba! Pati ang precious door ko minamaliit ng mga Witch na 'to. Bahala sila. Manigas sila.

"Huy! Lola! Lumabas kana.. Huy! Sadako labas na!" Peste talaga 'to si Arvy! "Feeling prinsesa ka kahit gurang ka na! Huy!"

"E sa prinsesa ako e." Pang asar ko sa kanila. Sarap nilang asarin e. Haha! Natatawa tuloy ako dito habang nakikinig sa kanila na panay hampas at sipa sa pinto.

"Huy! Ako kaya 'yung prinsesa Kaya kung ayaw mong sirain namin ang pinto mo lumabas ka na!!" Sigaw ni Arvy. Haha!

"Mag dusa kayo!" Sigaw ko pabalik.

"Ayaw mo talaga ah!" Anong gagawin nila? Napatayo nalang ako at Hinihintay ang gagawin nila...

Nagulat ako ng sabay sabay nilang Sinipa yung pinto. Literal akong napanganga dito habang naka tingin sa pinto kong naka bulagta na sa sahig..

"NOOOO!!" sigaw ko at napahawak sa ulo ko. "Shete! Ang Pinto Ko!!" Agad akong lumapit dala dala ang unan ko, sinubukan kong itayo 'yung pinto ng kwarto ko pero ang bigat nya. Nag tawanan lang silang dalawa. Unti unti ko silang tiningnan ng masama, Humanda kayong dalawa matitikman nyo ang pag hihiganti ng Prinsesa. Padabog kong binitiwan ang pinto at tiningnan sila isa isa. "Humanda kayo!!"' Sigaw ko at Hinampas hampas silang ng unan hanggang umabot kami sa Ibaba ng Hagdanan hanggang sa labas ng gate hanggang sa labas ng bahay.

"Mag Silayas Kayo! Huwag na kayong babalik pa!" Pag tataboy ko sa kanila. Bwishit! Isinara ko ang gate at pumasok na sa loob at isinara din ang pinto at nilock tsaka ako bumalik sa kwarto.

Nainis nalang ako kasi Isasara ko sana 'yun pero sinira pala ng mga bruhang 'yun. Hindi ko na mapigilang Magwala at ginulo ko ang kama ko. Nakakainis talaga sila.. Huwag na huwag na talaga silang bumalik dito sa bahay kundi papatayin ko talaga 'yung mga 'yun. wala na, Sira na pinto ko, Ang nag proprotekta sa beauty sleep ng magandang prinsesa. Parang nadapuan naman na din ako ng antok kaya bumalik na ako sa kama ko. Madaling araw pa, Ilang oras ko pa mapapatuloy ang beauty sleep ko.

----

*Kriing kriing*

Agad kong pinatay ang alarm clock ko. Taena, Kulang pa ako sa tulog. Minulat ko ang mga mata ko. Napalingon agad ako sa pintuan ko, Hindi ko tuloy maiwasan na maisip na umiyak pero naalala ko na hindi na ako bata para umiyak kaya Tumayo nalang ako at pumunta ng cr ko para manghilamos. Pagkatapos kong manghilamos ay agad kong kinuha ang pinto para ipatayo yun at isandal sa pader at bumaba narin ako papuntang kusina para mag luto. Naisip ko Bigla si Yhana, Maaaring nandun sya sa kwarto nya ngayon.

The Four AmazonaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon