#Part1 - Pia ang munting dalaga :))

731 10 0
  • Dedicated kay Posing Diaz
                                    

            “Kakanin! Kakanin ka’yo jan!” Sigaw ng dalagang babae na si Pia, siya ay pangatlo sa anim nilang magkakapatid. Namuhay sila ng kanyang pamilya na simple at wala gaanong kaya sa buhay, kaya naman sila ay naglalako ng mga kakanin sa daan.

            Ang kanyang ama na si Valentine ay isang guro sa pampublikong paaralan, at ang kanyang mahigpit na ina naman na si Melly ay mas piniling alagaan at bantayan ang mga anak.

            Isang araw si Pia ay nagtitinda sa simbahan ng Santo Tomas, nang may biglang bumangga sa kanyang lalaki na mukhang mayaman at sinabihan siya na “Tumingin ka nga sa dinadaanan mo.” “Hoy lalaki! Wag kangang antipatiko, kita mong tumatayo lang ako dito tapos ako pa ang may kasalanan?” Sagot ng ng babae. Nang biglang naalala ni Pia na nahulog pala ang kanyang paninda at pupulutin niya sana ang mga ito kaso pagtingin niya, mukhang hindi na mapagkakitaan ang mga ito. Pagtingin niya sa itaas ay nawala na an gang binatang lalaki. “Lagot talaga ako kay inay nito.”

            Nakauwi na si Pia at ipinaalam sa ina ang nangyari, imbes na kaawaan at intindihin siya nito ay pinalo niya ito ng sinturon at ipinabalik ito sa kanyang pwesto sa simbahan at nagbenta ulit. “Kung makita ko lang talaga yung pangit na lalaki na iyon, hahampasin ko talaga.”

Can't Stop Loving You. ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon