Hanggang sa isang araw, manunuod ng palabas sa sinehan si Pia kasama ang kaibigan na si Tess. Tinanong ni Pepe kung saan sila manunuod at susunod daw ito. Narating na ni Pia at Tess ang nasabing lugar kung saan sila manunuod.
Patapos na ang pelikula at pumunta sa palikuran si Pia, habang may napansin siyang lalaki na may kayakap sa may upuan, hindi niya lang ito pinansin dahil ihing-ihi na siya.
Paglabas niya ay natapos na nga ang pelikula at nakabukas na ang ilaw at mas maliwanag na nga ang lahat. Sinubukan niyang tignan yung lalaking may kayakap pagtingin niya ay nabigla siya na ang kanyang irog pala ang lalaking iyon. “Sino siya?” Pakalmang sabi ni Pia. Dahan-dahang binaba ni Pepe ang kamay nito. “Ahh wala…” Umalis ng bigla si Pia at hindi na pinakinggan ang sentimento ng kanyang isang pinakamamahal na lalake.
Sinuyo at sinuyo siya ng mahigit dalawang buwan ni Pepe para lang magkabati at magkabalikan sila at ayun, nagpatuloy ang kanilang pagmamahalan.
Pumunta ng isang lugar si Pepe at pinasunod naman niya si Pia. Doon sila ay masayang nagkasama at marami silang ginawa na hinding hindi nila makakalimutan dahil sa buong panahon na iyon ay nakapag-ikotikot sila sa nasabing lugar na silang dalawa lang at dahil rin sa nangyaring iyon mas mahal na mahal nila ang isa’t-isa.
Pina-uwi na ng kanyang ina si Pia sa kanilang lugar. Naputol ang kanilang komunikasyon sa mahigit na dalawang lingo.
BINABASA MO ANG
Can't Stop Loving You. ♥
RomanceMaikling kwento ng dalawang nilalang na nagmamahalan na walang katapusan. :)) Una at huling pag-ibig. Tunghayan natin ang pag-iibigang Pia at Pepe.