Si Pia ay dumalo sa Alumni Home Coming ng kanyang paaralan, doon ay aliw na aliw siya kasama ang kanyang mga kaibigan at kamag-aral sa hayskul.
Hanggang sa nagsayawan na sila at nakapareha niya ang malapit na kaibigan ni Pepe na si Totoy. “Bakit andito ka? Hindi mo ba ba alam?” sabi ni Totoy. “Ang ano?” Patakang sagot ni Pia. “Tungkol kay Pepe.” Hindi umimik si Pia at nagpatuloy naman sa pagsasalita ang matalik na kaibigan ng kanyang iniibig.
“Wag kang mabibigla ha? Pero si Pepe ay kasalukuyang ikinakasal kay Amor, shotgun marriage daw eh at mukhang hindi nakalaban ang aking kaibigan kasi papatayin daw ang kanyang buong lahi pag hindi siya nagpakasal sa nasabing babae.”
Hindi umiyak si Pia sa harap ni Totoy at mas piniling umuwi ng bahay. Pagkarating niya sa bahay ay tinanong siya ng kanyang ama na si Valentine “Oh bakit ang aga mong naka-uwi diba hanggang mamaya pa yun?” Pabulong naman na sumagot siya ng “Iba kasi pakiramdam ko eh.” Pumasok na siya sa kanyang kwarto, itinakip ang unan sa kanyang mukha at umiyak, ng umiyak ng umiyak. Ginawa niya ang pagtakip sa mukha para hindi marinig ng kanyang mga kapamilya ang kanyang daon-dong.
Makalipas ang ilang buwan ay nabalitaan niyang buntis na ang napangasawa ni Pepe at pinatuloy niya ang kanyang buhay na pinipilit na siya ay magiging masaya kasama ang pananalig na hindi para sa kanya ang lalaking una niyang inibig at makakahanap siya ng mas mabuti pa sa kanya.
BINABASA MO ANG
Can't Stop Loving You. ♥
RomanceMaikling kwento ng dalawang nilalang na nagmamahalan na walang katapusan. :)) Una at huling pag-ibig. Tunghayan natin ang pag-iibigang Pia at Pepe.