Favoritism

23 5 0
                                    

Ang bawat tao ay may kanya kanyang favoritism.

__
Jazmin Carole, future criminology

"Sinabi ko na sainyo ayaw kong may nalalate sa Classe ko!" galit na sigaw ng Instructor namin siya rin ang unang magtuturo sa'min

"Hindi ganyan umasta ang mag pupulis! Hindi dapat makupad ang galaw! Dumating kayo sa tamang oras!" dagdag nito

"Kung ganyan din lang naman kayo katagal kumilos Hindi niya na dapat kinuha ang course na Criminology!"pare parehong napa yuko na lang kami sa sinabi nito

Ilang minuto lang naman kaming nalate pero kung magsalita siya ay parang isang araw na

"Good morning, Sir!" kita sa gilid ng mata ko ang bagong dating lang

"Your late." mahinahong wika ng Instructor namin dito samantalang sa'min ay todo sermon na siya

"Go to your respective seat now." walang imik na sumunod kami sa utos nito

Napa buntong hininga na lang ako pag kaupo ko saka matiim na nakinig rito mahirap na baka mapagalitan na naman

Minsan talaga naiisip kong may favoritism si Sir pag dating kay, Jillian

Pag-dating kay, Jillian ayos lang malate hindi niya pinapagalitan..

Pag mababa ang score niya bibigyan niya ng chance na mag re-test

"Jaz!" agad akong nag-angat mula sa binabasa ko ng may tumawag sa pangalan ko

"Bakit?" takang tanong ko ng makitang si, Jillian ito. Ito kasi ang unang pagkakataon na nilapitan ako nito

"Hindi ka ba mag-lulunch?"tanong nito na ikina taka ko dahil last time icheck hindi naman ako nito kinakausap

"Hindi. Bakit?" takang sagot tanong ko rito

"Bakit naman?Gusto ko sanang sabay tayo ma-lunch nakaka lungkot kayang kumain mag-isa." sambit nito

"Salamat pero hindi talaga ako kakain ngayon eh." may kiming ngiting wika ko rito

"Jillian, sa'min kana lang sumabay." singit ng Isa sa mga classmate namin

"Ayaw mo talaga?" muling tanong nito umiling na lang ako rito saka bumalik sa pag babasa

"Huwag ka ng umasang sasabay yan sayo." dinig kong wika ng kaklase naming nag aya sakanya

"Kaya nga wala atang balak maki pag close satin eh. Ganyan naman siya noon palang masyadong focus sa pag-aaral wala tuloy naging Kaibigan." wala sa sariling napa higpit ang hawak ko sa libro ng marinig ang sinabi nito

Gusto ko ding magkaroon ng sariling kaibigan...

Gusto ko din ienjoy ang kabataan ko pero....

Paano ko gagawin yun?

Gusto kong maka kuha ng mataas na grado baka sakali

Baka sakaling kilalanin na ako nila Mama bilang anak nila

Baka Sakaling maging deserving na akong maging kapatid ng Ate ko na isang kilalang Doctor o di kaya ng bunsong kapatid ko

Umaasa akong sa ganitong paraan ay makita na nila Ako....

Umaasa akong sa ganitong paraan ay maging proud sila kaya ginagawa ko ang lahat...

Kahit na hindi sila naniniwalang kakayanin ko

Kahit iniisip nilang hindi ko kakayanin ang Criminology dahil babae ako...

One-Shot  Stories Compilation(💐)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon