Promise

16 1 0
                                    

What exactly a promise for you?Some other said It's okay to break promise before promise break you'

"Ito ang lagi mong tatandaan, Daryl Joy bago mo bitawan ang salitang pangako ay dapat siguraduhin mong kaya monh tuparin kung ano man ang pangakong binitawan mo,"masuyong wika ni, Mama habang sinusuklay ang buhok ko

"Ano pong mangyayari kung hindi ko po matupad yung pangako ko,Mama?"walang ideyang tanong ko rito

"Pwedeng mawala ang tiwala ng taong pinangakuhan mo at maari ding masaktan mo siya at mag-iwan ng sugat at pilat sa isip niya pag hindi ka tumupad."paliwanag ni, Mama napuno ng kalituhan ang aking mga mata dahil hindi ko makuha ang ibig nitong sabihin

"Ganito kasi yan, Daryl Joy tuwing nangangako ang isang tao sayo ay aasa ka ngunit sa oras na nabigo siyang tuparin ang pangakong yun. Hindi ba't masasaktan ka dahil umasa ka at pinanghawakan mo ang pangako niya,"Mama

"Parang sa salitang 'Mahal kita' at 'Sorry' na hindi mo basta bastang pwede na lang sabihin sa Isang tao kung hindi mo rin naman kayang panindigan. Ang mga salitang yun ay nawawalan ng halaga kung hindi mo naman magawang panindigan sa taong sinabi mo nun."dagdag nito

" Kaya naman, Daryl Joy anak bago mo bitawan ang mga mahahalagang salitang yun ay kailangan siguraduhin mo muna sa sarili mong kaya mong panindigan."nakangiting wika nito

"Huy tawag ka ni, Ma'am."paulit ulit akong napakurap at nagtatakang napalingon kay, Lovely ng sikuhin ako nito

" Daryl Joy Java!"wala sa sariling napatayo ako ng marinig ang galit na boses ni, Ma'am habang tinawag ang pangalan ko

"Yes, Ma'am?"napakamot batok na lamang ako sa hiya habang naririnig ang mahinang tawa ng aking mga kaklase

"Saan na naman ba naglalakbay yang utak mo, Daryl at parang wala ka dito."salubong ang kilay nitong wika

" Sorry po, Ma'am."nakayukong panghingi ko ng tawad

"You may seat, and make sure ang utak mo nandito."tumango na lang ako rito at nagpasalamat bago naupong muli

"Ano ba kasing iniisip mo kanina? Bakit parang ang lalim?"mahinang tanong sa'kin ni, Lovely

"May naalala lang."sagot ko rito saka nakinig na sa tinuturo ni, Ma'am

"Daryl, huwag mong kakalimutan yung promise mo ah,"malaki ang ngiting wika ni, Lovely napa-isip naman ako sa sinabi nito

"Huwag mo sabihing nakalimutan mo?"nakasimangot nitong wika siguro napansin nito ang pagkunot ng noo ko tanda na tila hindi ko alam kung anong tinutukoy nito

"Sorry, madami lang gumugulo sa isip ko."sinseridad na wika ko rito

"Okay lang, basta sa Sabado dapat nandun ka sa birthday ko."tugon nito, nakangiting tumango ako rito

"Asahan mong nandun ako."turan ko rito

"Sige aasahan ko yan ah,"she happily said and hug me "See you sa Saturday."turan nito saka umalis

" Papa, bakit iniwan tayo ni, Mama?"malungkot na tanong ko kay, Papa parehong naka-itim kaming damit

"Dahil tapos na ang buhay na binigay sakanya, ayaw mo ba nun? Tapos na ang sakit na nararamdam ng Mama mo?"halata man ang sakit at lungkot sa mga mata ni, Papa pilit pa rin itong ngumiti sa'kin

"Ayaw na ba tayong kasama ni, Mama kaya ganun? "

"Hindi sa ganun, Daryl Joy sadyang kailangan na niyang umalis dahil hindi na kaya ng katawan niya ang sakit,"paliwanag nito"Alam mo namang mahal na mahal tayo ng, Mama mo diba? Na kung may pagpipilian lang siya at kung kaya niya pa Hindi siya aalis. Lalaban pa rin siya makasama lang tayo."turan ni, Papa

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One-Shot  Stories Compilation(💐)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon