DMPC 4

15 0 0
                                    

Samantha Raine Jung's POV

"I'm sorry to disappoint you." Sabi ko kay Chanyeol. Tinawagan niya ako kaya sinabi ko na hindi ako makakapunta.

(Are you okay, Sam?) Bakas sa tono ng pagsasalita niya ang pag-aalala niya. Hindi pwedeng pumunta ako dun, baka magkagulo pa.

"Yes. I just need to do something." Pagkasabi ko nun ay pinatay ko na yung tawag. Baka di ko mapigilan ang sarili kong pumunta.

Nang mabasa ko ang mga comments, naisipan kong wag na lang pumunta. I don't want to assume pero kasi nagbibigay siya ng motibo. He's like a magnet, once na dumikit ka sa kanya, stuck ka na. Baka ako pa ang maging dahilan ng pagkasira ng career niya.

Nang maggabi na ay naisipan kong lumabas. Naglalakad ako nang biglang tumunog ang phone ko. Tinignan ko kung sino, si Chanyeol.

[Park Chanyeol Calling...]

"Hello?" Rinig ko din ang ingay ng ibang members.

"C-chanyeol?" Damn! I stuttered. Muli kong tawag sa kanya. Ito ang unang beses ko siyang tinawag sa pangalan niya.

(Sam, I'll call you later. Di kita marinig.) Kung kailan tinawag ko siya sa pangalan niya hindi pa niya narinig. Naputol na ang tawag. Ilang minuto lamang ay tumawag na ulit siya.

(Sam, pwede ka bang pumunta dito?) Tanong niya.

"Uh, s-sige." Wala sa sarili kong sagot.

(Dumaan ka sa likod. May entrance doon.) Sabi niya. Kaya naglakad na ako papunta sa likod. Nang malapit na ako sa may likod ay may nakabunggo ako at nahulog ang phone ko.

"Sam?" Tumingala ako para makita kung sino yun. Damn, Prince. Why now? Kinuha ko ang phone ko at pinatay ko ang tawag

"Uh, hi. Sorry but I need to go." He's my ex-boyfriend. Aalis na sana ako nang bigla niya akong hilain kaya napayakap ako sa kanya.

"I missed you so much, Sam." Hinigpitan niya pa ang yakap niya.

"Prince, let me go." Kumawala na siya sa yakap.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Sa," Think, Sam. Hindi pwedeng malaman niya.

"Sa?" Tanong niya ulit.

"Jan-" Biglang may nagsalita sa likod ko.

"Sa lugar ko." Damn! Anong ginagawa mo dito, Chanyeol?

"Oh, I see. Uh, see you when I see you." Sabi ni Prince at umalis na. Buti na lang at hindi niya nakilala si Chanyeol. Hindi nga ba?

"Kumain ka na ba?" I nod. Pagkapasok namin ay halatang gulat ang mga empleyado ng makita nila ako. Ano ba tong pinasok ko.

"Bakit mo pala ako pinapunta dito?" Tanong ko.

"My celebration lang." How ironic life is. Gusto ko siyang iwasan pero mismong katawan ko ang lumalapit sa kanya.

"Who is he?" Nagulat ako sa tanong niya.

"He's just my," Kinakabahan ako. "My ex-" Bago ko pa man maituloy ang sasabihin ko biglang gumalaw ang elevator. Napakapit ako kay Chanyeol. "Anong nangyayari?" Tanong ko sa kanya.

"Stay still. I'll call our manager." Manager?

"W-wait. Paano pag nalaman nila?" Kinakabahang tanong ko.

"We have no choice, Samantha. I won't let us stuck here in this damn elevator. Baka kung mapano ka pa." Kaya tinawagan niya na ang manager nila. Umupo lang ako dito habang pinapanuod siya.

"Yes. We're stuck on the elevator. I'm with someone. Please hurry." Pagkasabi niya ay binaba niya na ang tawag at umupo sa tabi ko.

"Are you okay? Damn, I'm sorry." Sabi niya.

"You don't have to be sorry." Sabi ko to comfort him. Halos 30 minutes ang hinintay namin bago kami makalabas at ngayon bumalik ang kaba ko nang makita ang manager nila.

"Hi, Sam. We missed you." Yumakap sa akin si Baekhyun.

"Manager?" Gulat na tanong ni Suho. Tumango ang manager nila at pinaupo kami. Iba yung atmosphere dito ngayon sa dorm.

"Kumalat na ang picture niyo through social media with her. And everyone is asking kung anong koneksyon niyo sa kanya, specially Park Chanyeol. Anong palalabasin natin?" Sabi ng Manager.

"Hyung, she wants to be a trainee here in SMEnt." Biglang sabi ni Chanyeol. Damn, nakakahiya dahil siya pa ang nagsabi.

"That's good. Pwede nating maging alibi iyon." Tumango ang manager nila at sinabing aasikasuhin ang bagay na yun bukas.

"Hi, I brought you samgyupsal!" Napatingin kaming lahat sa pumasok na babae. Nagulat siya ng makita ako, ganun din ako.

"Park Yoora?/ Samantha?" Uso ba talaga sabay dito? Kidding.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Chanyeol. We just nod.

"Nag-memeeting pala kayo. My apologies, Manager. " Sabi niya.

"Excuse me." Paalam ko dahil niyaya ako ni Park Yoora sa kusina. "Park? Are you related to Park Chanyeol, unnie?" Tanong ko.

"We're siblings. Here, eat this. Samgyupsal, Chanyeol's favorite." Iniabot niya sa akin yung dala niya, sabay kaming kumain nun.

"Thank you." Sabi ko. Hanggang ngayon, di pa din ako makapaniwalang nakakasama ko ang mga idols. Naging kaibigan ko din sila at nagpapasalamat din ako dun dahil matutulungan nila akong abutin yung pangarap ko sa buhay.

"No problem." Sabi niya nang bigla namang mag-ring ang phone niya kaya nagpaalam na siya. Nagulat ako nang biglang iniluwa ng pinto si Chanyeol. Bigla siyang lumapit sa akin.

"I'm sorry." Kumunot ang noo ko.

"Why are you sorry?" Tanong ko, nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin. "May problema ka ba?" Tanong ko ulit.

"I just want to love again but it seems that it's more complicated now. I'm sorry, Sam. Please, stay. Please?" Nagulat ako sa sinabi niya, kasabay nun ang pagdampi ng labi niya.

Dating Mr. Park ChanyeolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon