All About L♡VE

50 2 0
                                    


Lahat naman tayo nagmamahal, yun nga lang di sa parehong paraan. Para nga sa akin pinakamasarap na pakiramdam ang magmahal at mahalin. Masaya kapag may taong nagmamahal sayo dahil ipaparamdam nya kung gaano ka kahalaga... aalagaan ka, proprotektahan at papasayahin.

Pero sa love di naman laging masaya. May pagkakataong pwede ka ring masaktan. Hindi ito tulad ng mga fairytales na may darating na prince charming na mamahalin ka. Hindi rin ito tulad ng pocket books na laging masaya ang katapusan. At hindi rin ito telenovelas sa T.V. na kahit anong hadlang kayo pa rin hanggang sa huli. Nabubuhay ka sa totoong mundo... hindi sa libro o T.V., dito walang writer o director na gagawa ng kwento ng buhay mo. Walang magsasabi ng "cut" or "take", dito tanging ikaw lang ang gagawa ng kwento ng buhay mo at Siya ang gagabay sayo.

Hindi naman masama maniwala sa "happily ever after", pero hinay hinay lang. Hindi kasi porket sya ang mahal mo ngayon, sya na panghabambuhay. At kung nasaktan ka man nya, wag mo naman syang isumpa, dahil malay mo dahil sa kanya mahanap mo yung the Right One.
Kung nasaktan ka ng minsan, wag kang matakot magmahal dahil feeling mo sasaktan ka rin nya... subukan mo, dahil kung di mo susubukan pano mo malalaman? Basta maniwala ka lang na the Right person will come, dito sa napakalaking mundo at puno ng napakaraming tao may isang tao na nakalaan sayo at magmamahal sayo magpakailanman.

-mtrr
ⓓⓐⓣⓔ year 2010

PagmamahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon