Mahirap makipag-areglo sa mga taong hindi bukas makinig. Sa totoo lang, nakakapagod ding makipag-usap sa kanila. Ang hirap suyuhin, ang hirap kunan ng atensyon. Hindi ko alam kung anong klaseng suyo ang gagawin ko para lang mabigyan ng pansin ang effort ko. Pero minsan kailangan na nating sumuko at manahimik nalang.
May mga tao kasing nagpakalat ng maling impormasyon tungkol kay Phoebian. Na kesyo may ibang halo ang cosmetic products niya kaya madaming nasisira ang skin ng ibang tao. May iba ring nagkalat ng maling impormasyon tungkol sa kanila ni Valentine. Tapos kung ano-ano pa ang sinasabi sa social media. Viral ng apat na araw ang 'issue' kuno tungkol sa kanya.
Para sakin, walang kasalanan si Phoebian sa mga taong naninira sa kanya. Naiinggit lang sila dahil sa kung anong mayroon si Phoebian ngayon ay wala sila. Hindi naman pumapatol si Phoebian sa kanila at sa ngayon ay ang ginagawa niya ay nagsisiyasat tungkol sa kumalat na mga maling impormasyon sa internet. Pinapa-imbistigahan niya na yun para narin matahimik na ang lahat. Kakasuhan ang may sala sa likod ng pagpapakalat sa maling impormasyon na pinalaganap ng kung sino man ang tao na yun.
Napabuntong-hininga ako sa lagay namin ngayon. Nandito parin ako sa apartment at nililigpit ang mga gamit na ipapadala sa probinsya. Yung iba na hindi ko na nagagamit ay ipapadala ko nalang kina itay para guminhawa naman ang apartment ko.
Biglang tumunog ang cellphone ko habang nagliligpit ako ng kalat sa sahig. Kinapa ko yun at kinuha. Tumatawag si Phoebian. Sinagot ko ang tawag niya.
"Hello?"
"Hi, how are you there?"
Napangiti ako. Halata ang pagod sa boses niya. Nasa Paris siya ngayon dahil imbetado siya sa isang fashion week. Hindi ako sumama sa kanya dahil nakakapagod ang byahe papunta doon. Mas gusto ko nalang na pumasok sa trabaho kaysa sumama sa kanya doon. Pangalawang beses naman akong sumama sa kanya sa fashion week na pinuntahan namin.
"Okay naman ako dito. Ipapadala ko na yung package kina itay bukas. Guminhawa na ang apartment ko dahil nabawasan narin ng gamit ang apartment."
"I wish you were my love. I miss you so much."
Napakagat ako ng labi dahil sa kilig. "Miss din kita. Uuwi ka naman sa susunod na araw kaya magpahinga ka lang muna diyan."
"Yeah. But I really miss you. Bakit kasi hindi ka sumama sakin." May pagtatampo niyang sabi.
Natawa ako. "Okay lang yan. Nandyan ka na eh. Alam mo naman na madali lang akong mapagod. Ano nga pala ang ginagawa mo?" tanong ko.
"I'm on my bed. Ready to sleep."
"Sige matulog ka na para bukas maayos ang gising mo." Pagpaalala ko sa kanya.
"Ang lamig nga. I miss hugging you. Dito wala akong kayakap."
Napasinghap ako sa kanyang sinagot. Palagi kong pinaalala sa kanya na palagi naman kaming magkasama dito. Palaging katabing matulog at higit sa lahat ay palagi kaming nagdadamayan. Hindi rin siya pwedeng hindi umattend sa okasyon na imbetado siya dahil importante din yun dahil may mga businessmen tycoons din na dumadalo sa fashion week at palaging pinag-uusapan doon ang pagsisiyusyo ng businesses nila.
Hindi ko siya pinipigilan na pumunta doon dahil mahalaga yun lalo na't halos kilala na ang kanyang cosmetics sa ibang lugar sa mundo. Araw-araw may pumapasok na libo-libong kita ang kanyang business. Syempre proud ako sa kanya dahil nasa itaas na siya at ang layo na ng narating niya.
Kaya marami din ang naiinggit sa kanya dahil hindi na siya maabot ng mga taong humihila sa kanya pababa.
"Kumain ka na ba? Baka nakalimutan mong kumain." Pagpapaalala ko sa kanya ulit dahil kailangan pang pagsabihan ang taong 'to, kung hindi sa akin ay baka payat na siya.
BINABASA MO ANG
Phoebian (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series I) Mahirap ang buhay ni Maia. Bilang isang kolehiyala ay dapat kumayod din siya para may ipakain sa sarili at makabili ng kanyang pangangailangan. Isa siyang clerk sa isang convenience store. Masuwerte siya dahil tinangga...