Prologue

11 1 0
                                    


Beginning.


“End of the story!”Isinara niya ang libro at saka nakangising tumingin sa amin. Nakaupo kaming lahat na bata sa lapag. “Okay kids, may natutunan ba kayo sa story natin today?”


Sabay-sabay naman kaming sumagot na mas lalong kinalawak ng ngiti nito. Ang isa ko pang kaklase na babae ay nagtaas ng kaniyang kamay at agad naman siyang napansin ng teacher.




“Teacher! Teacher! Ako po may natutunan!”Pabidang saad ni Thalia.


“Ang galing mo talaga, Thalia!”sigaw ni kuya Ron. Siya ang pinakamatanda sa amin bilang nag-iisang ten years old sa section namin at halos lahat na sa amin ay eight o nine ang edad. Nahihiya namang yumuko at naupo si Thalia na halatang kinikilig dahil sa napuri siya ni kuya Ron.


Tsk


“Very good, Thalia!”masayang ani ng teacher at muling inikot ang tingin sa amin. “Pero kids bukas ay itutuloy na natin ang lesson natin, okay?”


“Pinagbigyan ko lang kayo ngayon dahil ang sabi niyo gusto niyong basahan ko kayo ng story, kaya dapat bukas pagbigyan niyo rin si teacher at makinig sa ating lesson, ayos ba 'yun?”dagdag niya.


“Opo!”




“Crystal?”sigaw pa ulit niya.


“Crystal clear!”sigaw pa ulit namin.


“Okayy, pwede na kayong kumain!”nagkagulo naman ang lahat sa amin at nagmamadaling tumayo. “Thalia, anong lagi kong sinasabi bago lumabas ng room? Iligpit ng maayos ang mga gamit para hindi mawala at 'wag tatakbo.”


Muling lumingon si Thalia sa may pintuan na parang may hinahanap at bigong naglakad pabalik at ginawa ang sinabi ni teacher. “Sorry po teacher.”




Maya-maya pa ay unti-unting lumabas na rin ang ibang kaklase ko at hanggang ako na lang ang natira.


“Oh Light, bakit nandito ka pa?”Biglang may nagsalita at do'n ko lang naalala na nandito pa pala si teacher.


“Gusto niyo po ba ako umalis?”Bigla naman siyang natawa at umiling. Ewan ko kung may nakakatawa ba sa sinabi ko pero sinabayan ko na lang siya.


“Ikaw talaga Light. Ang ibig kong sabihin ay bakit hindi ka sumama sa iba mong kaklase para kumain?”Tumayo siya mula sa pagkakaupo doon sa harap at lumapit sa akin. “Ah oo nga pala dinadalhan ka pala ng mommy mo ng lunch ano?”


Tumango ako at sakto naman na may biglang dumating at nakita ko si Kuya Ash, ang isa sa mga guard sa school. Ngumiti siya ng malawak at itinaas ang bitbit na dalawang plastik bag.


Naramdaman ko naman ang kamay ni teacher sa balikat ko at hinagod iyun ng ilang beses bago bumalik doon sa harap kung nasa'n ang table niya. Tumayo na ako at naglakad doon sa pinto na may ngiti sa labi.


“Hi, Light! Ito oh lunch mo,”ani niya at mabilis ko itong inahot at kinuha sa kaniya. “Oh sige babalik na ako doon, kumain ka ha? Panigurado masarap 'yan kaya ubusin mo!”


Tumango ako at tipid na ngumiti. “Okay po.”




Tumalikod na ako at pabalik na sa upuan ko nang muli si Kuya Ash na magsalita. “Light, goodluck!”


Ngumiti ako pero kagaya kanina, ngayon ay malapad at totoo.


Nang makabalik ako sa upuan ko ay nakaalis na si kuya Ash. At saka ko lang napagtanto kung bakit dalawa ang binigay sa akin,  kaya naman nagtataka akong tumingin sa dalawang plastik bag dahil ibang-iba ito sa mga nakaraang araw. Hindi naman ako dinadalhan ni mommy ng mga pagkain na hindi niya luto mismo pero itong pagkain na nasa harap ko ngayon ay sobrang dami at para bang puro luto sa labas.




Nagaalinlangan ko itong kainin kaya naman muli kong ini-scan ang plastik at may nakita akong may maliit na papel na nakadikit sa bandang baba ng plastik.


Red L.

Milk and CoffeeWhere stories live. Discover now