“May chika ako!”
“Talaga ano?”
“Kwento ko sayo habang sinusuklayan mo ako hehe.”
“Sabunutan kita d'yan e hahaha! Sige na akin na 'yung suklay at magsimula ka na mag kwento!”
“Hehe! Ito na nga, kahapon aksidente kong nabasa 'yung conversation ng kapatid ko at nung girl crush niya!”
“Uwee?! Talaga? Anong meron?”
“Gosh! 3 weeks na pala silang nagliligawan!”
“Hindi nga?!”
“Yep!”
“Teka nga ilang taon na nga ulit 'yung kapatid mo?”
“9!—araay! Hoy! Dahan-dahan naman masakit kaya!”
“Light!”Umangat ang ulo ko mula sa pagkakapatong sa table at hinanap 'yung tumawag sa akin. “May naghahanap sayo.”
Tumayo naman ako sa upuan at naglakad papunta sa pinto. “Sino daw?” tanong ko habang papalapit.
“Si Redd, ayan oh,”Sabay turo doon sa estudyanteng nakasandal sa railings habang busy sa kaniyang phone. Binalik ko ang tingin kay Annete.
“Sige, salamat!”
Tumango lang ito at bumalik sa loob at ako naman ay lumabas at lumapit kay Redd na hindi pa rin inaangat ang tingin mula sa phone noya. Mabagal lang ang lakad ko at pinagmamasdan siya, kung gaano kaseryoso ang kaniyang ekspresyon, ang dalawang kilay na bahagyang nakaangat. Bumaba ang tingin ko mula sa mukha niya pababa sa kaniyang kabilang kamay at nagtataka akong tumingin doon sa kaniyang bitbit na plastic bag na kulay red kaya hindi ko makita kung anong nasa loob nun.
“Ano 'yan?”tanong ko nang tuluyan akong huminto sa gilid niya at sumandal din.
“Hmm?”Nilingon ko si Redd na busy pa rin sa phone niya.
“'Yung nasa plastic bag, anong nasa loob niyan?”tanong ko pa ulit. Sandali naman niya akong sinilip ng tingin at muling binalik ang atensyon sa phone. Umusog ako kaunti para sana silipin kung ano ba ang pinagkakaabalahan niya at hindi niya maalis ang tingin sa selpon niya pero mabilis niyang nilayo iyun at pinatay saka nilagay sa bulsa ng kaniyang pants.
Tsk!
“Chismosa ka.”Mataray na saad niya at tumagilid upang humarap sa gawi ko habang nakasandal pa rin. Tumirik ang mga mata ko at naglabas ng malalim na paghinga.
“So, anong nasa loob niyan?”Pag-uulit ko. Tumingin siya sa bithit niyang plastic bag at tapos sa akin, nagkaroon naman ako ng ideya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
What if….
Uhg! Naiisip ko pa lang kinikilig na ako!
Umangat ang tingin ko kay Redd na ngayon ay nakakunot ang noo. “P-para sa akin ba 'yan?”Walang hiyang tanong ko.
“Asa kang para sayo 'to?”Nilayo niya sa akin 'yung plastic bag.
“Ibigay mo na, 'wag ka nang mahiya!”Pilit kong inaabot 'yun sa kaniya pero bigla siyang lumayo sa akin. Ngumisi ako dahil confident talaga ako na para sa akin 'yun. “Redd!”
“Ano?”Maang-maangang tugon niya.
“Isa! Isusumbong kita sa mommy mo na inaaway mo ako!”Pagbanta ko sa kaniya. Umikot lang naman ang mata nito at saka lumapit sa akin. Tinanggal niya ang pagkakatali sa plastic bag at may dinudukot.
Heh, I knew it!
May nilabas siyang isang blue na baunan at isang tumblr at inabot sa akin 'yun. Masaya ko 'yung kinuha sa kaniya at bumalik ang tingin doon sa plastic.