Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalye at pagewang-gewang na animo'y lasing na naglalakad. Inaantok na kasi talaga ako, tinaas ko ang kamay at tinakip sa bibig nang muli akong humikab.“Malapit na…”matamlay na sabi ko sa sarili nang matanaw ko na ang bahay namin. Inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko at saka mas nilakihan ang hakbang para mas mabilis akong makarating.
“Light!”
Ha? May tumawag ba sa akin o guni-guni ko lang?
“Lightt!! Hoy!”
Inaantok na talaga siguro ako
“…ay bingi?”
Gumalaw ang taenga ko sa narinig at mabilis na nilingon ang ulo para makita kung sino 'yun. Sa kabilang bahagi ng kalye ay may babaeng kumakaway.
Ako ba?
Tinuro ko ang sarili ko at tumingin pa sa likuran para makasiguro pero halaman naman ang nakatitigan ko doon. Binalik ko ang tingin sa harapan nang sumalubong sa akin ang pagmumukha niya.
“Owshi—! Anong ginagawa mo?!”Gulat na tanong ko at bahagya pang napaatras.
Punyemas ang lakas ng kabog ng dibdib ko
“Gulat na gulat? Nakita mo na ako kanina ah, kumakaway kaya ako tapos tinawag rin kita bago 'yun.”Paliwanag niya pa.
Humugot ako ng malalim na paghinga at bumuga ng mabahong hininga sa mukha niya.
“Ay—grabe ha, nanununtok!”
“Pasensiya ka na, antok na kasi ako.”Natatawang ani ko at kunwareng humikab para takpan ang bibig pagkatapos ay inamoy ko 'yun. Wala namang amoy, arte nito.
Hmp!
Naglalakad na ulit kami at sobrang tanaw ko na ang bahay namin, tatlong bahay na lang at nando'n na ako! Tatakbo na sana ako nang mabilis niyang hawakan ang kamay ko para mapabalik ako sa gilid niya.
Arghhh!
“Bakit ka ba nagmamadali? Ayan na lang naman bahay mo oh!”
“Oo Awin, nakikita ko!”Inis kong saad at pumadyak. “Bilisan na kasi natin maglakad, inaantok na ako!”
Lumingon siya sa akin at gano'n din ako sa kaniya, nagkatitigan kaming dalawa at tumagal pa 'yun ng ilang segundo bago siya bumuntong hininga. Amoy max!
“Nakikinig ka ba?”Ako naman ngayon ay kumunot ang noo. Anong pinagsasabi ng babaeng 'to? “Oh see? Hindi ka nakikinig sakin.”
Anong sinabi?
Aangal na sana ako na wala naman siyang sinasabi sa akin nang huminto siya at napahinto rin ako dahil hawak-hawak niya ang kamay ko.
“Oh, dito ka na sa harap ng bahay niyo.”Sabay pawisik na bitaw niya sa kamay ko. “Oh ano? 'Di ba nagmamadali ka kasi inaantok ka na?”
Sinamaan ko siya tingin. “Aray ha!”Angal ko. “Awin, wala ka naman kasi talag—”Hindi ko na natapos pa ang sasabihin nang may biglang tumawag sa kaniya at mabilis siyang tumakbo paalis.
Tsk, bahala ka nga sa buhay mo!
“Light—”
“Gaaah!—”
“Jusmeyo—”
“Ma!”si ate Kin.
Argh! Si Auntie lang pala akala ko kung sino na.