Prologue

9 0 6
                                    


I L O N A

"ILONA! " nabaling ang atensyon ko sa sigaw ni Quinslet habang patakbong lumalapit sakin.

Kunot noo kong ibinaba ang hawak ko libro sa pagrereview at tinapunan ito ng naguguluhang tingin. Pinanood ko itong umupo sa tabi ko at mabilis na inagaw yung tubig na hawak ko.

"May... " aniya at muling nilagok ang tubig. 'Dapat pala inubos ko na yun bago pa siya dumating. '

Nanatili akong nakatitig dito. Kanina pa ako naghihintay sa sasabihin niya pero nabibitin talaga ako. Hindi pa kasi natatapos yung sasabihin niya. Lalagok nanaman siya sa tubigan ko.

"M-may Nags-suntukan sa gymnasium. " direktang paliwanag niya. Matapos no'n ay napangiwi ako at pinagpatuloy nalang ang pagbabasa. 'Hindi niya ba ako kilala? Hindi ako interesado sa mga ganyan at ayaw ko rin madamay sa anong gulo. Akala ko ba naman ay tungkol nanaman sa Subjects ang dala niyang balita. Nakakadismayang sinayang niya ang oras ko para sa walang kabuluhang bagay. '

"Ano ba Ilona! Hindi mo ba ako narinig?" Inis na tanong niya. Mabilis niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at niyugyog ako, dahilan para magulo rin ang salamin ko.

"Narinig ko! " sininghalan ko ito at tinanggal ang kamay niya sa balikat ko. Inayos ko na muna yung damit ko bago yung salamin ko.

"Oh! 'yon naman pala! Halika ka na..." pag alok niya. Hinatak niya yung kamay ko, hinawakan ko ng mahigpit ang libro ko at pareho naming tinahak ang tatlong building mula sa waiting shelf papunta sa gymnasium.

Pilit niya akong tinulak upang makipagsisikan sa mga tao ng marating namin yung eksena. Wala na akong nagawa ng mapasadlak yung upo ko doon sa gitna habang sabay sabay na pa 'oh' yung mga tao. Mukhang huminto rin sa pagsusuntukan ang dalawa.

Mangiyak ng iyak akong tumayo habang hawak yung pwetan ko. Hinanap ko agad si Quinslet at sinamaan ito ng tingin.

"You're underwear is so cute... " Saad ng kung sino kaya napalingon ako. Agad na huminto ang mga mata ko kay Devano. Iniwan niya yung kasuntulan niya at lumapit sa akin.

Gusto ko siyang sapakin para burahin ang hindi mawalang nakakalokong ngisi sa mukha niya. Nakaramdam kasi ako ng pagkainis sa ginagawa niya.

"Hot pink, Isn't it?" dagdag pa nito. Tumawa siya ng mahina, dahilan para mapatitig ako sa kanya.

Nahihibang na ata ako. Bakit ba ako nakatunganga dito?

"Short 'yon! Manyak! " singhal ko dito. Mabilis akong tumayo at inayos ang sarili saka nagmartyang lumakad papalayo ng Gymnasium.
.
.
.
Napatakip ako ng tenga habang isusubsob ang mukha sa armchair ko.

"I'm sorry, Ilona... Di ko talaga sinasadya. " pag hingi ng tawad ni Quinslet sa'kin. Hindi ko ito pinansin at nanatiling ganon lang sa pwesto ko.

'Hindi ko siya mapapatawad!' Saad ko sa aking isip. Matinding kahihiyan ang nangyari sa akin dahil sa kagagawan niya. Wala pa ngang limang minuto matapos yung nangyari sa gymnasium ay bigla nalang uminit yung pangalan ko ay nagkalat sa school page. Nakakahiya.

Pasimple akong sumilip sa nagsisising Quinslet, nakanguso siya sinisipa ang kaharap na upuan.
Di ko maiwasang natawa sa ginagawa niya at sa itsura niya ngayon pero may kasalanan parin siya.

Mabilis siyang tumayo at pumunta sa harap ko. Doon, pinanood ko siyang lumuhod. 'Nakakahiya talaga ang ginagawa niya. '

"Please... Ilona, gagawin ko lahat. Pagsisilbi han kita-bibilhan kita maraming pagkain, kahit anong gusto mo. " panunuhol niya. Napabalikwas naman ako ng Bangon at tumingin sa kanya.

"T-talaga? " hindi makapaniwalang sabi ko rito. Nilakihan ko pa ito at nginisian.

Nag-aalinlangan tumango si Quinslet.

Embracing the lightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon