Chapter 1

5 1 10
                                    

“Ms. JAVIER! ” Agd akong napalingon sa tawag ng aming Prof Perez. “Ano bang ginagawa mo at hindi ka na nakikinig sa Subject? You seem to be out of yourself!” Inis na sermon nito. Napangiwi nalang ako...

“Masama po ang pakiramdam ko Mrs. Perez, ” walang ganang sagot ko. “Pasensya na po kung inakala niyong di ako nakikinig. ”napayuko ako.

Totoo naman eh, masama yung pakiramdam ko. Bukod sa marami akong iniisip about sa papalapit na exam, ay dumagdag pa yung ginagawa nilang isyu sakin.

“Then, go to the infirmary. Nakaka distract ka sa klase ko. Take a rest Ms. ” aniya pa... Tumango lang ako at tumayo. Siguro tatambay muna ako doon at magpapahinga.

Narini ko ang pagtawag sakin ni Quinslet, pero hindi ko na ito nagawang lingonin. Bukod sa ayaw ko... Tinatamad din ako.

Pagkarating sa Infrmary ay nilagay ko lang yung informations ko, sandali lang akong inasikaso ng nurse at umalis rin ito.

I sighed. First time kong mag skip ng class, Pero maganda naman yung rason ko.

Pagkahiga ko sa hospital bed ay saka ko kinapal yung cellphone ko.

‘Naiwan ko ata sa classroom. ’ turan ko sa aking isip. Natampal ko nalang ang noo ko.

Tumihaya ako ng higa bago tumingin sa kisame. Ramdam ko ang init ng palibot ng mata ko at ang pagbagsak nito. Kinapa ko ang leeg ko at nakumpirma ng mainit ako. Mabilis akong tumayo at hinanap yung thermometer.

Agad kong sinubo yung thermometer at lalakad na sana ako pabalik ng kama ng biglang may pagbagsak na nagsarado ng pinto. Napatiag naman ako sa gulat at nilingon ito.

“You?” Kunot noong tanong niya. Bigla naman itong lumapit sakin at hinawakan ng mahigpit ang wrist watch ko. Hindi ako nakapalag dahil sobrang bigat ng katawan ko at hindi rin ako nakasagot dahil subo ko parin yung thermometer...

“Bakit ka nandito? ” nagtatakang tanong niya.

My brows creased at his tone. Para bang siya yung may ari ng infirmary.

Tumunog na yung thermometer sa bunganga ko kaya mabilis kong inagaw kay Devano yung kamay ko. ‘Chuma-chansing pa eh no?! ’

“May sakit ka? ” Kunot noong usal niya. Sinamaan ko siya ng tingin at pinakita yung thermometer.

‘37 °C’

“Obvious ba? ” Sarkastikong tanong ko. Mabilis kong pinagmasdan yung mukha niya. May pasa siya sa gilid ng labi. May dugo pa yun. Tapos may gasgas din yung mukha niya. Pero aamin ko, hindi nabawasan ang gwapo niya ng dahil lang do'n. Ang pula rin pala nung labi niya, tapos medyo makapal din yung kilay niya na kahit papaano ay nakikita parin sa kapal at haba ng buhok niya. Mahaba rin yung pilik mata niya at brown yung mata niya. Ang kinis din pala nung mukha niya— nakakainggit. Ako kasi may konting darkspot.

Akmang hahawakan ko 'yon ng bumalik ako sa ulirat ko—sandali, Did I stared at him?

Mabilis kong kinapa ang pisngi ko. Nakahinga ako ng maluwag. ‘I'm so glad. I didn't drool. ’ masayang ani ko sa isip ko.

“Nasaan na si Ate Vien? ” tanong niya.

Naitagilid ko ang ulo ko sa tanong niya. ‘Sino yun? ’

“I mean... The nurse, Have you seen her? ” Pagtatama niya. Ilang beses akong tumango tango at nagkibit balikat.

“Hindi ko alam eh, basta umalis nalang siya kanina. ” walang ganang sagot ko. Umupo na ako sa kama.

“Damn it! ” mura niya. Napangiwi lang ako at himiga na sa kama.

‘Tulog ang kailangan ko hindi sakit sa ulo, kaya lumayas kana! ’

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Embracing the lightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon