Eunice
"Eunice! Ano ba? Bumangon ka na kung ayaw mong malate. Ang bagal mo pa naman kumilos." Sigaw ni ate sabay hila sa kumot ko.
Naalipungatan, chineck ko yung alarm clock at sumimangot.
"Hindi nanaman ba gumana to? Nakakainis naman."
"Anong hindi gumana? Kanina pa yan nag-iingay. Pinatay ko na ngalang nakakahiya naman kasi sa prinsesang tulog mantika."
Inirapan ko nalang si ate at pumunta sa banyo para maligo.
Pagkatapos maligo at magtoothbrush, nagbihis na ako ng school uniform at sinuot ang i.d. sabay takbo sa hagdan.
"Goodmorning, mama. Kelan po ba babalik si ate sa dorm niya?" Tanong ko habang kumakain.
Nag- aaral kasi siya sa Ateneo, medyo malayo samin kaya nagdodorm siya. Tinry naman ni mama na ipahatid sundo si ate, kaso minsan may mga subjects and activities siya sa gabi.
"Mamaya din, anak. Bakit parang gusto mo na paalisin yang ate mo? Nag-away nanaman ba kayo?" "Hindi po mama. Hala! Malelate na po ako. Bye ma!" Nagmadali akong lumabas at nakita ang bestfriend kong naglalakad ng mabilis. "Faye! Hintayin mo ko."
Faye
"Oh Eunice! Nalate ka nanaman ba ng gising?" Tanong ko habang tinitignan ang aking bestfriend na hingal na hingal.
"Yung alarm clock ko kasi mahina para sakin. Teka, bat ikaw parang late na din? Ganitong oras nasa school ka na ah."
"Eh kasi naman si mommy, may mga pinasukat pa saking mga dress para sa party sa school. Pupunta ka ba?"
Binilisan namin ang lakad namin.
"Baka, siguro. Wala pang nag-aaya sakin eh. Nakakainis. Andaming nagkakacrush sakin pero ni isa wala man lang nagtanong."
"Parang lumamig ah."
"Huh?"
"Ang hangin mo tol." Ginulo ko yung buhok niya sabay takbo.
"Oy! Di ako mahangin! Sadyang dyosa lang talaga ako." At hinabol niya ko.
"Sus! Kwento mo sa pagong! Jan ka na nga!" Binilisan ko yung pagtakbo at nakarating din sa school. Nakakapagod pala tumakbo. Teka- asan na si Eunice?
"Iniwan mo ko. TmT "
"Ang bagal mo kasi." Inis ko sa kaniya.
"Kasalanan ko ba na ikaw yung athletic sating dalawa? Di ba hindi?" Wow. Hingal na hingal siya.
"K dot."
"Sama mo sakin, bes." Ayan nanaman yang mata niyang nakakabola sa mga tao.
"Utut mo. Halika na. Late na tayo. At hindi na yan gumagana sakin. Laos na yang beautiful eyes mo."
"Grabe ka talaga sakin. Huhuhu."
*RIIIING*
"Shemay, late na tayo! Bilis!" Hinila ko siya at sabay kaming tumakbo papunta sa building namin.
Minamalas nga naman kami ngayon oh. Nasa 4th floor pa classroom namin. Talk about unlucky.
•
Pagdating namin sa classroom, wala pa si ma'am pero kami nalang yung wala.
"Buti nalang nauna tayo kay ma'am!"
"Eunice, ganito ba yung ginagawa mo araw-araw?"
"Oo. Bakit?"
![](https://img.wattpad.com/cover/38964885-288-k624566.jpg)
BINABASA MO ANG
True Love, May Ganoon Pa Pala
Fiksi PenggemarMeet Eunice Mendoza, the funny girl in Rykelle Academy. Ay sandali, bat ba nagi English si ms. author? Chakaness. Mahilig magcram si Eunice at parang lahat ng nangyayari sa kanya, tinetake niya as a positive sign. Yun lang. Choss. Hahaha Read the...