1/6 [Trigger Warning]

1.5K 29 8
                                    

Skeleton in the closet - a discreditable or embarrassing fact that someone wishes to keep secret.

-----

Nang susiin ng babae ang seradura ng kanilang pintuan ay sinalubong ito ng kakaibang katahimikan. Umalingawngaw pa sa kanilang sala ang pagsusi nito roon, at nagtaka ito dahil pagpasok pa lang niya ay naroon pala ang kaniyang ama at mga kapatid. Kalalabas lang mula sa banyo ng kaniyang madrasta at sinamahan ang kaniyang pamilyang naroon.

"Daddy! Good morning!" Kahit na medyo pawis pa ang kaniyang pisngi ay bumeso ito sa kaniyang ama. Isinunod niya ang mga kapatid at isinubsob ang kaniyang ilong sa pisngi ng mga ito. Paulit-ulit niyang hinalikan ang ikalawang kapatid na babae at ang kanilang bunso na binatilyo. "Ang babango niyo naman! All of you were expecting ate, ano? Marami akong dalang chocolates diyan, and even toys. I got you magazines about gaming too, Jairus."

"Ramona, let's talk first. Iwanan mo muna ang mga kapatid mo."

Sinundan na lang ito ng kaniyang mga kapatid ng tingin nang umalis siya kasama ang kanilang ama. Pati ang madrasta nitong si Lilley ay sumunod sa dalawa dahil nais din nitong makibahagi kung sakali mang may diskusyon silang magtatay. Iniwanan na muna niya sa mga maid ang maleta.

"How's New Zealand? For sure, you were able to at least tell me something about your stay there. Did you make any friends? At ang kuwarto mo ba, iniwan mo bang maayos lahat bago mo lisanin?"

Bumuga na lang ito ng hangin na halatang walang interes sa kanilang usapan. Tiningnan niya ang babaeng kasama nila na nag-aalalang nakatingin dito. Umirap siya sa kaniyang ina-inahan bago ilayo ang direksyon ng mga paa sa kaniyang tatay. "You know the answer, Daddy. I need to go upstairs dahil ihahanda ko pa ang pasalubong ko kina Jairus at Ember. Ayaw ko rin ang simoy ng hangin sa banda rito."

"Don't disrespect Lilley, nanay mo siya. Siya nga ang nagsabi na ipadala ka roon nang makasagap ka ng hangin na magpapakalma sa iyo, eh. She's always adjusting for you. Nais lang niya na maging maganda ang pakikitungo mo sa kaniya. Be kind to her, inaalagaan niya ang mga kapati—"

"When my mother died, I should be her replacement. Ako ang dapat na nag-aalaga sa kanila. Pero I respect your decision nang gawin mo siyang asawa. It's her responsibility, at hindi siya magiging nanay sa mga kapatid ko dahil hindi natin siya kadugo. Magpasalamat ka na lang at nakatapak ka sa bahay namin at tinatamasa mo ang mga bagay na dapat sa nanay ko. Kaya kung pakikitunguhan kita bilang katulong lang, matuwa ka dahil kahit papaano ay alam kong narito ka."

"Pasensiya na," sagot naman nito, halatang napahiya. Hinawakan ng lalaki ang kaniyang kamay. Hinigpitan ni Wyatt ang kaniyang pulsuhan na parang pinapatigil ito. "Nagpapasalamat akong pinapansin mo ako. Inaakala ko lang na matutuwa ka sa akin dahil inaral ko ang gusto mo, at ibinigay ko iyon sa iyo."

Itinaas naman ng dalaga ang kaniyang kamay na parang ginagaya ang pagbuka ng labi ng ginang. "Blah... blah. Shut up. I'm tired, okay? At baka tapos na kayong makipag-usap sa bichesa na kagaya ko."

Aalis na talaga ito nang ayusin niya ang scarf sa kaniyang leeg. Tatlong hakbang na ito palayo sa magulang nang bigla siyang may marinig na maotoridad na boses, "Why did you get an abortion?"

Nanlamig ang kaniyang pakiramdam pagkarinig pa lang sa tanong na iyon. Paano nalaman ng kaniyang tatay ang tungkol sa bagay na iyon? Para itong mahihilo lalo na nang maalala ang naganap noon sa kaniya. Itinago niya ang ginagawa dating pagtakas sa dormitoryo at ang pagliliwaliw kasama ng mga nakikilala niyang iba't ibang banyaga. Humarap na siya habang halata sa mga mata nito ang takot.

"Nakarating iyon sa akin, Ramona," agad na iwinika ni Lilley. Nahawak ang kaniyang mga kamay at nagbuhol ang kaniyang mga daliri. "Someone told me na nakita niyang ginawa mo iyon nang magpunta ka sa klinika na specialty ang abortion. Bakit mo ginawa iyon? You could've told us."

Skeleton in The Closet [GXG] [NUN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon