2/6

611 19 2
                                    

Tahimik ang paligid nang dumilat si Ramona. Sumalubong sa kaniya ang nakasisilaw na ilaw sa itaas, saka ito nagmamadaling pumikit. Naramdaman naman niya ang humawak sa kaniyang kamay kaya hinigpitan niya ang paghawak doon. Tumingin ito sa kaniyang gilid bago tingnan ang dextrose na nakakabit sa kaniya.

"Mona? Anak, you're awake." Tumingin ito sa banda niyang kaliwa at nakita si Wyatt. Pansin niyang parang kagagaling lang nito sa pag-iyak at talagang alalang-alala sa kaniya. Naalala nito ang bilin ng kaniyang ina na huwag itong hahayaang mag-alala nang labis kaya ngumiti siya bago unti-unting umangat. "Dahan-dahan lang, Ramona. Ano ba ang nangyari sa iyo? May pulis sa labas. Hindi ko alam na may nagbabanta sa buhay mo. Binaril ka."

"Ako?"

Bigla niyang naalala ang nangyari nang nakaraang araw. Inakyat nito ang bakod ng ampunan, saka siya natamaan ng ilaw ng buwan dahilan para matagpuan ito ng mga humahabol sa kaniya. Nabaril ang balikat nito, saka nadaplisan ang kaniyang braso. Nang bumagsak ito sa sahig doon ay pinaputukan siya malapit sa kaniyang ulo. Naisip siguro ng mga lalaki na patay na siya kaya pinabayaan na lang ito. Naalala niya rin ang babaeng tumulong sa kaniya.

"Anak, nandito kaming lahat. Ayos ka lang ba?" Hindi na muna ito naging masungit kay Lilley na nanginginig ang boses at halatang takot sa kaniyang kalagayan. Hinaplos nito ang kaniyang mukha at hinalikan siya sa noo. "May kilala ka bang gagawa nito sa iyo? May nangyari ba? O may atraso ka? Let's settle that immediately nang hindi na maulit pa ito. Hindi namin kakayanin kapag nawala ka."

"Oo nga, ate," sagot din ni Ember, kapatid niya. Binitawan muna ni Ramona ang kamay ng kaniyang madrasta at inihawak iyon sa mukha ng kapatid. Niyakap naman nito ang kaniyang puson at hindi iyon masiyadong dinaganan. "Inalalayan ka rito ng mga bisita natin dati para masiguradong okay ka. Huwag ka nang aalis lagi sa bagay natin kapag hindi mahalaga, ha? Kasi baka mawala ka sa amin, eh. Wala na nga si Mama... mawawala ka pa."

"This is all your fault!" Parang sasabog na si Ramona nang bigla niyang mabulalas iyon sa kaniyang madrasta. Nagsipagtuluan ang mga luha nito habang natakot ang kaniyang mga kapatid nang lumapit sila sa kanilang tatay. Itinuro nito ang babae. "Kung hindi mo ako pinalayo, hindi masisira ang buhay ko! My life is in danger because of you! Nagkahiwalay kami ni Hyacinth nang dahil sa iyo! Hindi masisira ang katawan ko at dudumi ang tingin ko sa sarili ko! Simula nang pumasok ka sa pamilya na ito, wala nang nangyari kung hindi ang kamalasan! Napakamalas na ng mga nangyayari dahil sa iyo! Umalis ka na rito!"

"Bakit ako aalis kung kasal kami ng tatay mo?! Sa ayaw at sa gusto mo, susunod ka sa akin at pakikisamahan mo ako hangga't buhay ako!" Napanganga ang lahat ng nasa silid nang sumigaw na rin sa kaniya si Lilley. Diretso ang tingin ng mga mata nito sa dalaga at nakadilat siya na parang nagpipigil ng galit. Naiipon na ang lahat ng sama ng loob niya sa dalaga. "Pakilabas muna ang mga bata, Wyatt. Please lang."

Sumunod agad sa kaniya ang asawa habang parang nakadama ng takot si Mona. Hindi niya lang iyon ipinapahalata sa babae dahil ayaw niyang makita nito ang kahinaan niya. Tumawa ito bago magwika, "Lumabas na sila. Sumunod ka na rin sa kanila nang makapagpahinga ako. Tatandaan mo, ikaw ang dahil—"

"Hindi mo ba alam ang layunin ko kaya kita pinalayo?! Dahil alam kong galit ka sa akin at gusto kong naroon ka sa lugar na may peace of mind ka! Kung naghiwalay man kayo ng girlfriend mo, that's because wala kang kaalaman sa pagpipigil ng pagpatol sa tukso at wala kang loyalty! Iyon ang problema ninyo! Ikaw ang may kontrol sa mismong katawan mo! Kaya huwag kang magkukunwari na hindi mo alam ang nangyayari. Hindi ka na bata, 'di ba?! Alam mo na ang lahat ng ginagawa mo!"

"Stop quarreling with me. Hindi mo ba ako nakikita? Nasa peligro na nga ako at ang buhay ko."

"Naturingan ka nang nadisgrasya, nang-aaway ka pa." Bumuga ng hangin si Lilley at umupo na lang ulit. Nag-alala agad ito sa kaniyang mga nasabi at hindi alam kung paano iyon babawiin. "I'm sorry. Basta't kapag kailangan mo ako, isang tawag lang ako. Hindi ko na muna ipakikita ang mukha ko sa iyo."

Skeleton in The Closet [GXG] [NUN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon