Nang walang makuhang update sa mga pulis ay umuwi muna si Clementine sa kanilang tahanan. Hindi sila tumuloy sa bahay kung saan pinasok ang mga ito, kung hindi sa tahanan ng kaniyang ina. Welcome na rin doon si Ramona na kilala na nilang lahat. Nasa gilid lang ito at tahimik habang iniisip ang gagawin. Na-rule out na kidnap for ransom ang ginawa sa bata kaya naghihintay na lang sila ng tawag. May mga kasama rin sila sa bahay para ma-track kung tatawagan ang mga ito at madaling matutunton si Stella.
"Stella..." Tulala si Clementine na naka-upo sa sofa nang lapitan ito ni Mona. Pinunasan nito ang kaniyang mga luha habang pulos iyak lang ang tugon niya sa kasintahan. Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay at halinhinang hinalikan. "Siguro pinaparusahan na ako sa pag-alis ko bilang madre. Bakit si Stella pa? Napakasama kong babae. Siguro ay tama ang asawa ko na mahina ako at—"
"Please, Tine. Hindi ka ganoong babae. At hindi ito parusa, okay? May gumawa nito. Tao na wala sa tamang katinuan niya. Babalik sa atin nang buhay at buo ang bata. Walang galos." Niyakap niya si Clementine at hinalikan ito sa pisngi at noo. Ngumiti siya rito kahit na nahihirapan din ito sa gagawin. "Mamaya o bukas, nandiyan na si Stella. Maglalaro na kayo ulit. Tapos kakain na ulit tayo na parang walang nangyari na kahit na ano. Tine, stop crying..."
"Hindi ko mapigilan ang umiyak kada segundo. Talagang nag-aalala ako kay Stella. Nasaan na kaya siya? Gutom na kaya ang anak ko? Baka hindi pa siya nakakakain, o baka hindi pa naliligo. Mahihirapan iyon dahil wala siyang vitamins at baka makapitan siya ng sakit sa kung saan siya dinala. Ibalik na sana siya sa atin, Ramona. Babayaran ko kahit magkano basta't bumalik lang siya. Wala akong pakialam kung mamulubi man kami basta't nandito lang siya sa tabi ko. Lagi ko siyang babantayan kapag nakabalik na siya sa akin." Tumabi naman sa kaniya ang kanilang bunso na si Mitchi, saka ito nilapitan ng kaniyang kuya na si Troy. Hinaplos ng babae ang kaniyang braso habang halata niyang naiiyak din ito. Ngumiti si Clementine kahit na pilit at labag sa kaniyang loob. "Wala kang kasalanan, Chi. Ako ang nagpabaya sa kaniya. Hindi ko naisip na puwedeng mangyari ang ganito. Masaya akong okay kayong lahat na pamilya ko. Madadakip ang mga lalaking iyon na sinaktan kayo. Hayaan mo, may awa ang Diyos at kakarmahin ang mga iyan."
"Tine." Niyakap ito ng kaniyang kuya at hinayaan itong luhaan siya sa balikat. "You will be alright, okay? Stella will be back and pagtutulungan natin siya para maka-recover. Baka na-trauma ang bata. Kumalma muna tayo, ha? Umiyak ka lang kung iyon ang magpapagaan ng loob mo. Huwag mapapasobra."
"Kuya..."
Nagyakapan ang mga ito habang nakatingin lang sa kanila si Ramona. Alam niyang suporta ng pamilya ang kailangan ni Clementine nang tumunog ang cellphone nitong nasa mesa roon. Nakakita siya ng unknown number kaya nagmamadali siyang sumagot nang marinig ang pamilyar na boses, "Hello, Ram! My baby. Kumusta ka naman ngayon?"
"Please, huwag ngayon. May emergency ang pamilya namin. Thank you, please don't call me again dahil may problema na kami. Huwag ka nang dumagdag pa." Nakarinig ito ng iyak ng bata. Pamilyar iyon sa kaniya dahil noong inaaway si Stella at binu-bully ay ganoon ang paghikbi nito. May napagtanto siya, "Hyacinth! You have Stella! Pati ba naman ang bata?! Ibalik mo siya sa amin!"
"Bakit ko naman siya ibabalik sa iyo? Ano ako, hilo? At paalam, mamaya may magpapadala sa inyo ng address kung saan ko dinala ang bata. Alam kong tine-trace niyo itong tawag. Walang pulis, naiintindihan mo ako? O baka nagmistulang pintura sa sahig ang dugo nitong kutong lupa na ito."
Wala nga talagang nakuha na address ang pulis doon na in charge sa pagta-track sa pinagmulan ng tawag ni Hyacinth. Lumapit sa kaniya si Clementine na narinig ang usapan nila, saka umilaw ang cellphone nito. Naroon ang pangalan ng kaniyang asawa at agad niya itong sinagot dahil baka nag-aalala rin ang lalaki sa bata, "Hello? Chris."