Chapter 6

2 0 0
                                    


Tatlong Araw lang nawala si Kalix pero Akala mo Isang taon sya nawala dahil sa mga pasalubong nya sa magulang ko.

" Grabe Ang Dami Naman nito hijo." masayang Sabi ni mama.

" Sabi Po kasi nang Isa sa kaibigan ko sa Davao ay nakaka cancer free daw Po Ang happy hormones kaya bumili Ako nang maraming pasalubong para maging Masaya Po kayo." nakangiting Sabi ni Kalix Kay mama.

" Nag abala ka pa.. pero salamat.." tuwang tuwa SI mama sa mga pasalubong ni Kalix

Napatingin si Kalix saakin at ngumiti na guilty Ako sa ginawa ko sa kanya last night na mag kausap kami sa telepono..

" Sige Po mag bibihis po Muna Ako at mag papahinga nang konti para makalipat na sa bago natin bahay." paalam ni Kalix tumango Naman si mama dahil tuwang tuwa sila ni Tita sa mga pasalubong ni Kalix.

Ako Naman ay sumunod Kay Kalix Hanggang sa makapasok sya sa kwarto.

" Ano bang ginagawa mo Kalix, masyado mo Naman silang na na ii spoiled sa mga ginagawa mo." sita ko sa kanya habang nag huhubad sya nang neck tie nya.

" deserve Naman nila yun." sagot nya at nakangiti pa din saakin.

" Ang Sabihin mo ginagamit mo sila para bumalik Ako sayo!" walang awang Sabi ko.

Nakita ko Ang pag galaw nang panga nya mukhang di nya nagustuhan ang sinabi ko

" Really, Ngayon mo pa Ako aawayin Ngayon pagod Ako sa byahe ko galing Davao?" tanong nya..

" Tigilan mo na Ang pag bigay kila mama at tita nang kung ano ano Tama na Yun pinapagamot mo si Mama dahil Yun lang Naman Ang nasa usapan natin." sagot ko

" Ginagawa ko ito, dahil gusto Kong sumaya Ang mama mo wala nang iba okay.." sagot nya na pilit na pinapakalma Ang sarili.

" gusto ko mag kalinawan Tayo ngayon, Kung ginagamit mo sila para bumalik Ako sayo nag kakamali Kalix Hindi bebenta saakin Ang mga pasikat at pag babango mo sa mama at tita ko dahil kailanman di na mababago Ang desisyon ko na kaya lang Ako nag pakasal dahil lang sa kailangan ko ipaga---" di nya na Ako pinatapos mag salita.

" Oo na kaya nga sasanayin ko na Rin Ang sarili ko na Wala ka! na Wala na talaga tayong pag asa pero wag mong ipag damot saakin na maging mabuting Asawa mo at maging mabuti sa mama mo, Isang taon lang Naman ito Errin kaya please ibigay mo na saakin ito." sincere na pag kasabi nya dahil maluha Luha Ang mata nya habang nakatingin sa mga mata ko..

Dahil sa di ko kaya Ang emosyon na pinapakita nya ay lumabas Ako nang kwarto at pumunta sa kusina para uminom nang tubig.





***

Hapon na nang mag Aya si Kalix na mag lipat bahay nasa kotse nya kami actually nadala na nang ibang maid Ang mga gamit namin sa lipatan Namin at kami nlang Ang kulang.

Mga 10mins lang Naman Ang lumipas ay nakarating na kami sa sinasabi nya lilipatan namin pag kababa ko ay namangha Ako sa nakita ko..

Halos kamukha ito nang dream house ko na pinakita ko Kay Kalix last year,

Napatingin Ako sa kanya, Sakto Naman ay nakatingin sya saakin nandoon pa Rin Ang lungkot sa mata nya pero may ngiti sa mga labi.

" Nagustuhan nyo po ba Ang bagong bahay natin?" tanong ni Kalix Kila Tita at Mama.

" Ang Ganda sobrang Ganda." Sabi ni Tita.

Si Mama Naman ay naiiyak dahil sa totoo lang idea nila ni papa Ang design nang bahay na naging dream house ko lang,

May malawak na garden at may malaking fountain sa gitna at maraming bulaklak nang tulips at orchids na paborito Namin ni mama..

" parang ginawa Ang bahay na ito para sayo anak nararamdaman Kong Ikaw Ang inspirasyon nang bahay na ito." nakangiti sambit ni mama.

the will of the wind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon