Chapter 5

4 0 0
                                    

Nakahiga na Ako sa king bed size actually kaysa Naman talaga kami dalawa dito ni Kalix maluwag pa nga kung tutuusin pero dahil nag insist sya sa lapag nalang matulog ay Wala akong magagawa Ayoko Rin naman mailang pag mag katabi kami sa iisang kama akward nga para saakin dahil Ang Dami Namin pinag saluhan dito sa kwarto na ito.

Hindi Ako mapakali paikot ikot sa kama dahil di pa bumabalik si Kalix simula nang lumabas sya sa terrace Ng kwarto nya.. Dahil sa di Ako mapakali ay pinuntahan ko na sya para sabihin na mag pahinga, Nang makarating Ako sa terrace ay nakaupo sya nakasandal Ang ulo nya sa upuan at nakatingala na nakapikit hawak pa din Ang baso nang alak.

" Kanina ka pa ata umiinom?" agaw ko sa atensyon nya napatingin sya saakin pakiramdam ko ay gusto ko maiyak sa lungkot nang mga mata nya kaya agad Kong binawi Ang tingin sa kanya.

" Gusto ko lang makalimot." sagot nya at tumayo sya at nag bugtong hininga bago lumapit saakin.

" Bakit gising ka pa at lumabas ka dito mahamog na at malamig baka ginawin ka." Sabi nya saakin..

Naka oversized t-shirt Naman Ako at naka pajama kaya malabong ginawin Ako..

" Nag tataka kasi Ako na di ka pa pumapasok sa loob kaya pinuntahan kita dito para tignan kung Anong ginagawa mo." sagot ko.

" Actually hinihintay lang kita na matulog alam ko kasi naiilang ka sa presensya ko kaya di pa Ako napasok." Sagot Naman nya..

" Ayos lang saakin." Biglang Sabi ko.

" Are you sure, Okay lang Saka nag iinom pa Naman kaya pumasok ka na at mag pahinga susunod na Lang pag katapos ko dito, " kalmado nyang sabi.

Hindi na Ako nakipag talo na papasukin sya tumango nlang Ako at sumunod sa sinabi nya na pumasok na Ako at mag pahinga..

Nang makapasok Ako ay agad akong humiga at di ko namalayan na agad akong nakatulog at naalimpungatan lang nang maramdaman may nag kumot saakin at nakita Kong si Kalix iyon nang imulat ko nang maliit Ang mata ko.

Malungkot Ang mga mata nyang nakatingin saakin hindi ko alam bat di Ako nag rereklamo sa ginagawa nya lalo na nang bigla nyang halikan Ang noo ko..

" Sleep well wife," Sabi nya matapos nya akong halikan sa noo Ang bilis tuloy nang kabog nang dibdib ko dahil sa ginawa nya umalis na sya sa harap ko at may kung Anong kumot na nilagay sa sahig at kumuha lang nang unan na Isa at nawala na sya..

Siguro ay humiga na sya nakaramdam Ako nang habag sa inaakto nya na Yun talagang pinanindigan nya wag matulog sa tabi ko.




**

Kinabukasan ay nagising ako sa liwanag na tumama sa mukha ko mabuti pa itong kwarto ni Kalix pinapasukan nang Araw samantalang Yung guestroom mukhang kailangan pa nang ilaw para lang lumiwanag..

Tumingin Ako kung saan natulog si Kalix pero Wala na sya Wala nang bahid na pinag tulungan nya kaya nag pasya nlang Akong lumabas at agad na tumungo sa guest room para tignan sila Tita at Mama pero nang makapasok Ako ay Wala sila.

nakarinig Ako nang may nag tatawanan sa kusina kaya pumunta Ako don...

" Ang swerte nang anak ko sayo hijo." narinig Kong Sabi ni Mama Kay Kalix nakaapron ito mukhang nag luluto.

" Oo nga kahit di mo na obligasyon kami ay sinamahan mo pa Rin kami na mag paaraw.." Sabi Naman ni Tita.

Jusko puring puri Naman sila sa lalaking ito FYI sinaktan Ako nyan niloko Ako nyan sa ibang babae..

" Obligasyon ko na Rin Po kayo dahil Rin naman saakin kaya kayo nandito..." maamong tupang Sabi ni Kalix..

Napairap Ako.. Wow nag papa impressed yata Ang Loko sa mama at tita ko.

the will of the wind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon