"Nahulog"

41 4 2
                                    


Title : " Nahulog "

Di ko mawari sa aking sarili,
Na sayo ako pala'y di mapakali.

Pilit kung tinatanong,
Ba't sa ganito ay humantong.

May nararamdaman akong kakaiba, na sa iyo ko lang nadarama.
Hindi ko kilala ang kaba,
Na sa akin ay ibang-iba.

Ako ba sa iyo'y may pagtingin?
O sadyang bugso lang ito ng damdamin?

Ito ba ang tunay na damdamin,
Na sayo ko lang di maamin-amin?

May hiwaga nga bang nadarama,
Sa iyong ipinadarama?

Ito'y aking lang bang nakikita,
Sa kislap ng iyong mga mata?
Animo'y pagka lakas lakas ng kabog,
Ng dibdib ko pag ikaw ang nakikita.

Di mawari kung bakit ang bilis,
Ng naramdaman ko sa iyong kay bilis.

Tunay nga bang ako sa iyo'y may paghanga?
O katang isip lang na humanga.

Paano ba ito maipapaliwanag
Kung pati ang aking nararamdaman sa iyo ay nadadarang?

Litong lito man sa simula,
Ngunit ngayon ay aking makikita.
Na sa iyo pala ako'y may paghanga,
Di man pansin,
Pero ipinaparamdam mo sa akin.

Hindi lang ito isang simpleng paghanga,
Dahil ito ay puno ng tiwala.

Di ko lubos na maisip,
Pagkat alam kung ito'y hindi katang isip.

Totoo sa akin at ramdam kung,
Ito'y panibago.
Ngunit magagawa mo bang ako ay masalo? Kung sakaling malaman mo ang pag ibig ko?

Alam kung walang patutunguhan,
At ito'y walang kahihinatnan.
Ginusto ko man o hindi,
Ako ay di na makatanggi.
Dahil sa iyo ako'y nahulog,
Ito rin ay aking nahubog.

Kung may pag asa man sa iyo ang aking nararamdaman,
Sana'y ang pagkahulog ko na lang ang iyong pasan.




Sham

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon