"Ate"

15 3 1
                                    


Para kay ate,
sana magustuhan mo..
i love you..

Title : "Ate"

Mula sa pagkabata,
Ika'y aking nakatatanda.
Ate na itinuring na kataas taasan,
Sa iyo ay nakasalalay ang unang kaginhawaan.

Salamat sa iyong pagdating,
Ngayon ay amin kang kapiling.
Ikaw man ay maagang namulat,
Sa amin ito ay laking pasasalamat.

Sa iyong dinaraanan,
Alam kung ito'y may patutunguhan.

Ako man ay musmos lang na tumitingala sa iyong narating,
Pinipilit kung ito rin ay aking tahakin.

Ate unang ipinanganak,
Kuha lahat ang gandang di hamak.
Di man mapantayan ang iyong kamalditahan,
Tinataglay mo naman ang kagandahan.

Tunay na ikaw ay elemento,
Pagkat sa pamilya pag ika'y wala di kami buo.

Ikaw ngayon ay nakapagtapos,
Sa sikap at tiyagang iyong idinaraos.

Labis na tuwa,
At galak ang iyong nakuha.
Dahil naabot mo ang tagumpay,
Na lubos mong hinintay
At ngayon ibinigay.

Di hamak na may kabaitan ka'ring taglay,
Kaya kami sa iyo na rin nakabatay.

Mahal kung nakatatanda,
Salamat sa supporta at tiwala.
Di man ako kasing talino mo,
Ipinapangako ko naman na sa akin ikay di mabibigo.

Salamat ate kung minamahal,
Walang kang kapantay sa amin nino man.

At sana'y sa munting mensahe ko lang,
ito'y iyong magustuhan at maging kasiyahan.



Sham

love your sister!☺️ ❤️✨

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon