"Label?"

25 2 7
                                    


Title : Label?

Ang sweet niyo naman,

Daig pa ang mga langgam.

Masarap sa pakiramdam,

Pag nandiyan ang taong iyong inaasam.

Di nga halos mawala sa mga ngiti ng iyong labi, ang tamis ng inyong samahan.

Papuri at tinginan ng mga taong kita ang inyong lambingan.

Ni kahit gabi ay di ka mapakali,

Pag di nakikita ang pangalan niya sa chat.


Tila ba nasanay ka na sa mga lambing na ni kahit kaunti ay gusto mo lagi siyang kapiling.

Walang araw na hindi ko nakikitang ika'y nakangiti, sa wari ba'y di na maitanggi na sa iyo ay may nagpapangiti.

Sa pagkaka alam ko crush mo siya,

Hanggang sa nakikita ko na

parang may iba,

Lagi ka nang masaya pag kasama mo siya

Kitang kita ko sa iyong mga mata,

ang labis labis na paghanga sa kaniya.

Isang araw napansin ko na.

Pero nakita ko na nasasaktan ka,

Alam kung alam mo na.

Matanong ko lang, kayo na ba?

Ayun, sapol ka ba?

Minsan ba naisip mo na ang saya,

Kaso hindi mo siya pag aari?

Ang saya kasi nandiyan siya,

Akala mo naman di na mawawala

Kaso tamang akala mo lang iyon.

Minsan kailangan mo ring tanggapin

Ang katotohanang di naman pala kayo.


Pasensya ka na kung nasaktan kita sa paraan na, Akala ko hindi sa iyo tatama.

Ba't ka nasasaktan?

Nasasaktan ka kasi akala mo ay kayo? O baka nasasaktan ka dahil sa katotohanang di naman talaga kayo?

Minsan naghintay ka pa sa chat niya,

Eh naisip mo bang ikaw talaga priority niya?

Malamang hindi,

Gusto mo na yung tao kaya minsan nakakalimot tayo.

Pero yung lambingan niyo,

Daig pa magkasintahan sa ginagawa niyo.

Hanggang sa nakita ko ang pagmumokmok mo sa tabi,
Na tila ba'y wala ka na sa iyong sarili kakaisip sa kaniya na ngayon ay wala na.

Lalapitan sana kita kaso naisip ko na,

Kailangan mong mapag isa.

Tanggapin ang katotohanang kulang sa label ang inyong pagsasama, ayan tuloy nakuha pa ng iba.

Madali lang makuha iyon kasi walang may ari,

Kung sana ikaw yun, Baka may pag asa pang di ka maiiwan sa ire.

Alam kung may nararamdaman din sa iyo yun,

Di ka naman din manhid para di maramdaman yun.

Kaso torpe naman ata,

Ni hindi ka man lang pinangunahan.

Pinagpatuloy niyo pa ang nasimulan,

At walang label ang dahilan.

Kaya ikaw ngayon nasasaktan,

Kasi nakita mo siyang masaya sa iba, na minsan ikaw ang dating dahilan ng mga iyon.

Masakit kasi may ibang taong kaya siyang pasayahin, na akala mo ikaw lang ang makaka gawa non. 

Pero mali ka kasi noon yun,

Dahil ngayon may bago.

Di na ikaw kundi yung isa,

Na akala mo di mapapansin ng taong iyong laging kapiling.

Pero ano nga ba?

Walang kayo kaya pwede pa.

Wala kang karapatan kasi,

Di mo naman siya pag aari.

Di mo siya mababawalan kasi alam mo sa sarili mo na hindi ka niya pag aari.

Minsan kasi lagyan ng label,

Para sa huli may karapatan kang di ma dorbell ng iba yung nakagapos niyang puso sa iyo.

Masakit?

Totoo naman kasi,

wag mo nang itanggi na para bang wala lang.

Alam kung ika'y nasasaktan,

Pero kasalan mo rin naman.

Kung sana'y sa simula pa lang,

Alam mo nang may hangganan sana linagyan mo na lang.

Label lang ang kulang,

Edi sana kayo pa Hanggang ngayon.

Nasasaktan ka pa kasi naiwan ka na,

Wag masyadong umasa.

Alam mo namang walang pag asa,

pag wala kayong label sa isa't isa.

Sige pag isipan mo na ngayon pa lang,

Huwag simulan kung ayaw mong masaktan sa dahilang walang ka label label ang inyong samahan.

Di sa sinasaktan kita,

Ngunit pinapayuhan lang kita na buksan mo ang iyong mga mata.

Tingnan nang maigi,

suriin ng maayos ang tama at mali.

Minsan kasi nakakabulag ang pagmamahal,

Akala mo buong-buo mo nang nakikita na tama ito,

Yun pala may parteng durog na pero di mo pa nakikita na nagpapaka tanga ka na pala.

Label muna.


Sham

Mas masakit ang katotohan,
Lalo na't wala kang karapatan..

Ayun pagbisgo na,
sana okay na to para sa iyo..

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon