Prologue

92 9 0
                                    

Prologue

"Sinungaling ka!" singhal nito sa mismong mukha ko tsaka ako sinampal sa kaliwang pisngi. Nagtiim bagang ako. "Sabi mo sa 'kin kaibigan mo lang sya, tapos malaman laman ko na kalandian mo pala!"

"What the fuck?!"

"Wag ka nang mag maang-maangan pa! Sinabi sa 'kin ng mga kaklase mo kaya wala ka ng lusot!"

I rolled my eyes. "Naniwala ka naman?"

"Malamang!" inis nyang sabi. Napailing na lang ako. "Alam mo mas mabuti pang maghiwalay na lang tayo."

Hindi ko sya makapaniwalang tinignan. "Seriously, Carlotta?"

"Oo, Sergio!"

Nagsimula ng mag init ang dugo ko sa kanya. Huminga ako nang malalim para makapagtimpi.

"Puta naman, Carlotta!" napipikon kong sabi. "I told you before na wag mo 'kong tatawaging Sergio."

"Wala akong pake, Sergio Angelo! Break na tayo."

Kumunot ang noo ko. "Seryoso ka ba talaga dyan sa desisyon mo?" Tinignan ko sya sa kanyang mga mata. Umiwas ito ng tingin sa akin. "Babe, para 'yun lang makikipaghiwalay ka na? Don't you trust me?"

Marahas nyang binalik ang tingin sa akin. "Para 'yun lang? Wow. Angelo, I trusted you. Sa mga taong nakapaligid sayo, wala."

Hindi ako umimik.

"Punong-puno na ako sa Jennie na 'yun!" nanggagalahati nyang sabi. Nanubig ang mga mata nya. Natigilan ako. "Siya na lang palagi kasama mo, Angelo. Halos wala ka ng nabibigay na oras sa 'kin! Napapagod na ako sa relationship natin!"

Bakit ngayon nya lang sinasabi ang mga bagay na 'to? Akala ko pa naman okay lang sa kanya na makipagkaibigan ako sa mga babae. Kung tutuusin pareho lang naman kami, may mga kaibigan din naman syang lalaki at hindi ako nagrereklamo sa kanya.

"Babe–"

Itinaas nya ang kanyang kanang kamay senyales para tumigil ako. "T-Tama na. Wag na nating pahabain 'to kasi baka mamaya makalimutan ko na naman mga pagtataksil na ginawa mo sa 'kin."

"Babe, teka lang–"

Umiling sya kasabay nun ang pagbagsak ng mga luha nya. "T-Thank you sa 1 year and 6 months with you."

"Carlotta naman." Nang subukan ko syang hawakan sa braso, ay iniiwas nya iyon sa akin. "Babe, baka pwede pa naman natin 'to pag usapan. Don't do this to me–to us."

Umiling lang sya ulit. "Hindi mo na mababago pa desisyon ko." pinunasan nya ang mga luha nya. Bumagsak ang mga magkabilang balikat ko. "Makikipaghiwalay na ako sayo. Sa ayaw o sa gusto mo. Sana kasi nung una pa lang inalam mo na kung anong nararamdaman ko, edi sana hindi tayo umabot sa ganito."

"Carlotta–"

"Pwede ba?!" galit nya ng sabi. Umigting ang panga ko. "Hayaan mo na ako. Wag na wag mo na guluhin pa ang buhay ko. Tama ka na, Angelo."

Nang talikuran ako nito, ay pinanood ko lang sya maglakad papalayo. Bakit ko pa sya hahabulin 'di ba? Para ano mag mukhang tanga? I'm done with her. Kung inaakala nya na hahabulin ko sya, no way. Hindi mangyayari 'yon. Sinubukan ko naman ayusin kaso ayaw nya ako pagbigyan. Edi break kung break. Masyado syang nagpapaniwala sa mga sinasabi ng mga tao.

"Wala ka yata sa mood?"

Tinigil ko ang pag skate at umupo sa bench. Nandito kami ngayon sa park ng kaibigan kong si Jennie. Ang babaeng tinutukoy ni Carlota na kalandian ko. Tumabi naman sa akin si Jennie tsaka sinandal ang ulo sa balikat ko.

"Carlotta and I broke up last night."

Inalis nya ang pagkasandal ng ulo nya sa balikat ko. Nang lingunin ko sya, ay nakatingin na ito sa akin. Gumuhit ang mga ngiti sa labi nya.

Make It With You (Bad Boy Series 1 | ON-GOING)Where stories live. Discover now