1

86 9 0
                                    

Chapter 1

"Hindi na kita babalikan." sabi nya. Tumayo ito sa kinauupuan nya at akmang aalis. Pinigilan ko sya. "Angelo, please lang. Umalis ka na."

"Break na pala talaga sila 'no?"
"Oo, girl! Balita ko girl best friend ni Gelo ang dahilan kung bakit sila nag break!"
"Weh?!"
"Legit ba?"
"Oo nga, mga sis!"
"Grabe naman pala 'yon!"

Hindi ako umalis sa pagkakaharang sa kanya. Hinila ko sya at cinorner sa pader para hindi na ito makawala pa. Nandito kami sa library at nakukuha na namin ang atensyon ng mga tao sa loob. Hindi ko inalintala ang mga bulungan nila.

"I won't leave." matigas kong sabi. Nilagay ko ang mga kamay ko sa magkabilang gilid nya. Sinamaan ako nito ng tingin. "Hindi ako aalis ng hindi kita kasama."

"Bakit ba ang kulit mo?"

"Mahal pa rin kita, Carlotta." malumanay kong sabi. Tumitig ako sa mga mata nya. "Handa kong gawin ang lahat para lang mapabalik ka. Just give me a chance to prove my love to you."

"Hala! Kung ako kay Carlotta babalikan ko na si Gelo! Look, oh, ang gwapo nya!"
"Omsim! Sana ako na lang si Carlotta! Ack!"
"Maharot ka talaga, bhie!"
"Talaga, bhie! Si Gelo na yan, oh!"

"Wag ka ng bumawi."

Nang sulyapan ko ang mga tao sa paligid, ay nagkunwari ang mga ito na may ginagawa. Sinuyod ko nang tingin ang library at natigil iyon sa babaeng naniningkit ang mga mata. Nakasuot ito ng salamin at hindi ko matukoy kung genius ba sya o sadyang nerdy lang ito. Pang manang kasi ang suot nya. I gave her a deadly stare. Nanlaki ang mga mata nya sa gulat at napatakip ito ng libro sa mukha.

"Ayoko na nga, Angelo." Inalis ko na ang tingin sa babaeng nerd. Sinubukan akong itulak ni Carlotta, pero hindi man lang ako natinag. Inalis ko ang pagkakacorner sa kanya at hinawakan ang mga kamay nito. "Bitawan mo 'ko!"

Humigpit ang hawak sa mga kamay nya. "Don't you love me anymore, Carlotta?"

Nag iwas lang sya ng tingin.

"Babe, please answer my question. Hindi mo na ba 'ko mahal?"

"Gelo, ako na lang tanungin mo! Oo, mahal kita!"
"Hoy, girl! Feeling mo naman papansin ka nyan! Napakasuplada nyan 'no!"
"Pogi naman! Kahit sungitan nya ako araw-araw baka ako pa mag sorry sa kanya!"
"Ako rin, bakla! Nakaluhod pa ako habang humihingi ng tawad!"
"Itigil mo na ang pagbabatak, mhie!"

Binalik nya ang tingin sa akin. "Hindi na. Kaya bitawan mo na ang mga kamay ko!"

Umiling ako. "I won't believe you. Alam kong mahal mo pa rin ako."

"Nahihibang ka na ba, Angelo? Hindi na nga kita mahal!" sigaw nya.

Napasinghap ang tao sa paligid.

"Omg! Galit na si ate girl!"
"Kawawa naman si Angelo! Kung ako kay Carlotta hindi ko sya gaganyanin!"
"Same, mhiema!"

Marahas nya akong tinulak. Nabitawan ko ang kamay mga nya. Tumuwid ito ng tayo. "Umalis ka na."

Nilagpasan na ako nito tsaka bumalik sa kinauupuan nya kanina. Naiwan naman akong walang napala. Bakit ba ang hirap suyuin ng mga babae? Napabuga na lang ako ng marahas na hangin. Naalala ko ang babaeng masama ang tingin sa akin kanina. Nang lingunin ko ang kinaroroonan nito, ay wala na ito doon.

"Boys at the back!" sigaw ng teacher namin sa English.

Binato nya ng eraser ang mga ito. Nagulat naman ang mga isip bata kong kaklase sa likod. Nilabas ko ang aking cellphone nang mag simula si ma'am na sermonan ang mga kaklase namin. Nag scroll na lang ako nang nag scroll sa Instagram hanggang sa matapos ang pagsesermon ni ma'am.

Make It With You (Bad Boy Series 1 | ON-GOING)Where stories live. Discover now