3

78 9 0
                                    

Chapter 3

"Sorry na nga."

Mas ngumuso pa nga ito. "No, kuya!" Nag cross arms pa ito at tinalikuran ako. "Hindi po tayo bati!"

"Gelay naman." Pinigilan ako nito nang subukan kong hawakan ang mga braso nya. "Sorry na, oh."

Hindi pa rin nya ako hinarap. "No, no, no!"

I smiled. "Ayaw mo patawarin si kuya, ah." Napatili ito nang kilitiin ko sya sa tagiliran nya. "Yan!"

"Kuya, tama na po!"

Tinigilan ko na sya. "What?" Yumakap ito sa akin. "Will you still not forgive me?"

"Oo na po! Your apology accepted na."

Tinap ko ang ulo nya. "Good girl."

"Let's go, Blue Team! Forda win na us sa basketball!"
"Tru! Nangangamoy MVP si Angelo! Omg!"
"Go, Red Team! Talunin nyo ang Yellow Team sa basketball para pasok kayo sa finals!"
"Red Team, okay lang matalo sa basketball! Sure win naman tayo sa volleyball girls!"

Pasok ang team namin sa finals na gaganapin bukas. Papunta kami sa locker area ng mga kaibigan ko upang kunin ang extra na damit para makapagbihis. Ang daming gusto magpapicture sa akin pero ni isa sa kanila ay walang nagtagumpay. They're annoying as fuck.

"Mga pre!" si Felip. Napalingon naman kaming lahat sa kanya. Hinihingal ito at halatang kagagaling lang sa takbo. "Nood tayo ng volleyball mamaya! Maraming chikababes dun! Tiba-tiba!"

"Talaga ba, Felip?" si Justin. "Akala ko ba boring manood ng volleyball?"

Umakbay si Felip kay Justin. "Oo, sinabi ko nga 'yon kasi akala ko volleyball boys lang, pero may volleyball girls din pala!"

Napailing si Justin. "Hindi ka kasi nakikinig sa announcements."

"Ano, mga pre?" si Felip. Umalis na ito sa pagkakaakbay nya kay Justin. "Kung ayaw nyo, okay lang naman. Ako na lang mag isa manonood."

"Gagi!" si Josh. "Samahan na natin sya manood, baka mamaya maging sad boy na naman sya sa Twitter nyan." natawa pa sa huli.

"Tapos aalisin nya profile picture nya sa Facebook!" matatawa ring sabi ni Justin.

Nagtawanan kaming lahat maliban kay Felip na umuusok na naman ang ilong sa inis.

"Oo na, oo na!" si Yves. Nag liwanag naman ang mukha ni Felip. "Anong oras ba mag start, pre?"

"Hindi ako sure, eh." napakamot pa si Felip sa batok. "Basta ngayong araw daw ang laglagan nila."

Binatukan naman sya ni Yves. "Siraulo! Magyayaya ka manood, hindi mo naman pala alam kung anong oras mag start.

Hinimas himas ni Felip ang tuktok ng ulo nya. "Sorry na!"

"After lunch daw." si Pau.

Nag lunch pa muna kami bago pumunta sa gymnasium. May mga mangilan ngilan na ngang player ng volleyball sa paligid. Ang iba pa nga ay nagtratraining sa gilid. Inaayos na rin ng mga referee ang gagamitin na net sa laro. Umingay ang paligid nang dumating ang Blue Team.

Natawa na lang ako nang makita si Felip na sinalubong ang isang player at nagpapicture doon. Ngiting ngiti pa ang loko ng bumalik ito sa kinauupuan amin. Ilang saglit lang ay dumating na rin naman ang Red Team. 

"Si ms. Nerdy ba 'yun?" si Felip. Nilingon ko ang tinuro nito at napanganga ako. "Putcha!"

"Sinong ms. Nerdy ba?" si Josh.

"Yung nanipa sa binti ni Angelo!"

Natawa naman bigla si Josh. "Ay! Loko ka, hindi naman siya yan eh. Baka kahawig lang!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Make It With You (Bad Boy Series 1 | ON-GOING)Where stories live. Discover now