Chapter 3: Pagtatapat

121 3 1
                                    

"Ay nako ivan buti andyan ka na, pagpasensyahan mo na tatanga tanga talaga tong si pau" Sabi ni Charms sabay alalay sa akin. Tatanga tanga daw? nako. 

"Wala yun, buti nga sa akin siya nahulog..." sagot naman ni Ivan kay Charms.

"Pero hindi ako tatanga tanga Charms no! kapal neto." Sabi ko naman habng paupo sa tabi ni Cinds. Ang tahimik nito bigla ah?

"Palusot ka pa..." Hindi ko na lang pinansin yang sinabi ni Charms. Siya na lagi panalo >_<

"Cinds okay ka na?" Tanong ni Ivan kay Cindy. 

"O-okay lang. Uhm Charms, ano ? laro na tayo?" 

"YEEEEEEEES!!! Let's go!!!"

(After three hours...)

"AYOKO NA! WOOO" Grabe naman kasi pagod na pagod na ako. Kanina pa kami naglalaro feeling ko ang dami ko ng natanggal na taba sa katawan. 

"Ako din ayaw na..." pagsangayon naman sa akin din ni Cindy. Kanina pa kasi kaming dalawa yung sayaw ng sayaw..madaya yung tatlo eh. 

"Ang weak nyo naman dalawa.." Sabi ni Charms. 

"Paanong hindi weak? eh kami lang naman nasayaw Charms" sabi ko naman.

"Hahaha. ganun talaga. Oh sige na, tama na to. Humiram na muna kayo sa akin ng shirts, pawis na pawis na kayo eh baka ako pa mapagalitan kapag nagkasakit kayo..oh dalawang boys, dun muna kayo sa sala. nagpapahanda na din ako meryenda, magpalit muna kami.." - Charms.

Pagkalabas nung dalawa nagpalit na kami ng damit at lumabas na din agad. Nakakagutom kaya no. Sana Chocolate cake *o* favorite ko yun eh. 

"Manang yung chocolate po palabas na"-Charms

"YEHEEEEEEY!!!!" Sabay namin sigaw ni Cinds. Nagkatinginan kami at .. "HAHAHA! para tayong patay gutom pau sa reaction natin" sabi ni Cinds. 

"Hindi tayo PG. Sadyang ginutom lang tayo ni Charms. Haha" sagot ko naman. 

"Pasalamat kayo mabait ako, favorite nyo talaga pinabili ko... oh ivan at charles kanina pa kayo walang imik ah?" Tanong ni Charms dun sa dalawa. Nako nagtanong pa siya eh halata naman na na-out of place yung dalawa.

"Wala, okay lang kami" sagot naman ni Charles

"Oo nga. Hehe" sagot naman ni Ivan

"Uhm...Okay. So let's eat?" ^_^ -Charms. 

At diyan na nagtatapos ang kwentong ito. Hindi joke lang. Haha. Kasi naman ang sarap sarap talaga nung chocolate cake ^____^ 

After nun konting kwentuhan tapos nagkaayaan na din umuwi, sabay na uuwi si Charles at Cinds tutal malapit naman bahay nila, tapos ako ihahatid na daw ako ni Ivan.. And weird nga eh.. parang may gusto siyang sabihin sa akin pero parang nahihiya siya. Tulad ngayon naglalakad na kami papasok ng subdivision tapos tingin ng tingin tapos pagtitingin naman ako biglang iiwas ng tingin. Ang gulo di ba?

"Ano ba Ivan? May sasabihin ka ba? Ang weird mo eh" Sabi ko.

"Meron sana..kaso.."

"Kaso ano?"

"ha? eh.. w-wala wala" Sabay yuko niya pa. Kelan pa to nahiya? psh.

"Sabihin mo na, sige ka hindi na kita kakausapin for life kapag hindi mo sinabi ngayon.." pagiinarte ko. 

"Okay sige. sasabihin ko na.. maybe it's the right time..upo tayo dun sa bench?"

"Okay.." Umupo na nga muna kami dun sa may mga bench. Nakakaba tong si Ivan ha. 

"Pau..naaalala mo ba na may sasabihin talaga ako sayo nung nasa Danah's tayo?"

"Ah.. oo, yung hindi mo na nasabi kasi biglang nagpanic ako sa nangyayari kay Cinds hehe.."

"yun nga.. ano kasi...uhm..."

"Ano? Ang tagal naman"

"Baliw, seryoso to Pau.." Biglang sumeryoso yung mukha niya. Hehe mukhang seryoso nga. "Pau naranasan mo na ba yung kapag may kasama ka, wala kang ibang ginawa kung hindi ngumiti? yung tipong sarap na sarap ka kasama yung taong yun?" Sabay tumingin siya sa mga mata ko, kitang kita ko na masaya siya.. 

"Oo naman.. ganyan ako kapag kasama ko si papa, si mama si kuya at si ate..at pati na din si Charms at Cindy.."

"I mean, special someone.. yung tao na nagpapakaba sayo kapag andyan siya sa malapit. Yung kumukumpleto ng araw mo.."

"Parang crush? oo naman." Naalala ko bigla si Travis. Siya yung kumukumpleto ng araw ko lagi eh. Hay. Napangiti tuloy ako na parang kinikilig. 

"Crush? mmmm... Pwedeng crush... pero ewan ko kasi kung Crush nga lang ba ito eh.." Napatingin ako bigla sa sinabi niya O_O may nagugustuhan siya talaga? 

"nakakatakot naman yang tingin mo Pau hehe"

"Nakakagulat kasi, totoo ba yan? baka naman crush nga lang yan?"

Tumingin siya sa langit.. ang ganda ng sunset...pagtingin ko sakanya napangiti siya habang nakatingin pa din sa langit..

"Gusto ko siya... Gusto ko siyang kasama.. gusto ko siya palaging nakikita na masaya.. gusto ko siyang kakulitan.. gusto ko siyang ipagtanggol sa kung sino man na umaway sa kanya.. gusto ko siyang mapasaya... gusto ko siya.. at the same time... mahal ko siya.." sabay tingin niya sa akin. 

"Mahal na ata talaga kita pau... mahal na mahal.." 

O__O

"A-ako? Bakit ako?"

"Bakit hindi ikaw?"

"Pero...."

"Pero ano?"

"Mahal din naman kita ivan eh.. (bigla siyang ngumiti..i'm so sorry ivan..) pero... hanggang kaibigan lang.. para kitang kapatid alam mo naman yun di ba?" Pagkasabi ko nun bigla siyang yumuko..

"Kaibigan..kapatid.." paguulit niya..

"Im so sorry.. Hindi ko naman akalain na...ganito.."

"Sabi ko kanina sa sarili ko bago ako magtapat.. tatanggapin ko kung ano man ang maging reaction mo.. pero pau, would you give me a chance? i'll prove everything to you...promise."

"mmm..s-sorry talaga ivan.. i can't"

"but why?" And there... i saw him teary-eyed. Bakit ba sa akin pa? 

"hanggang friends lang.. please ivan.. wag ako.."

tumayo na siya.. and he said.. " I'm sorry kung hindi na kita mahahatid sa inyo.... 

and pau.. just please forget about what i have said..bye"

"pero ivan! (tumayo na din ako) .... wala naman magbabago di ba?"

"gusto ko man na wala... pero meron... i'm sorry..just forget everything.." And then he walked away.

Hindi ko na siya sinundan kasi baka mas maging magulo pa ang lahat.. pero God knows..ayoko siyang masaktan pero mas masasaktan ko siya kung aasa siya sa akin..

I'm sorry ivan...I'm really really sorry... 

SHORT STORY: A boy younger than meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon