CHAPTER 9: Changes

76 4 0
                                    

Months had passed after kuya paulo, ate rica, bata and me went to sm together. The following months kasi puro kami na lang ni rj ang nagkakasama. Si kuya at ate kasi busy nagaayos ng papers.

Yep! Okay na sila. Tuwang-tuwa nga si mommy nung nakita si ate rica sa bahay namin. Pinaglilihi pa nga daw ako noon kay ate rica eh kaya both kami maganda. At ngayon ko lang din nalaman na nagkikita na pala din sila before kasi nga iisa lang kami ng subdivision pero walang ginagawa si mommy kasi ayaw naman niyang pangunahan yung dalawa.

I dont know kung sila na? Si kuya kasi paalis na ulit papuntang states tapos si ate rica din naman pupuntang dubai. Nakakalungkot nga eh. Sa susunod na araw na kasi aalis si kuya tapos si ate rica next week.

"Poleng, andito ka lang pala sa kwarto mo. Hinahanap kita dun sa baba"

"Dito na lang ako. Bakit kasi nagpadespidida ka na naman eh. Nalulungkot lang ako"

"Ano ka ba naman. Hindi ka na nasanay. Para sa family ntn to. Para sa pagaaral mo..."

"Matagal pa ako makakagraduate ng college. Sobrang matanda ka na nun. Magasawa ka na kaya!"

"Hahaha. Nako pauline. Dadating din tayo diyan. Tama na nga pagmumukmok mo diya. Andyan mga kaibigan mo"

"Sino?"

"Sino pa nga ba? Edi si charms at cindy"

"Ah oo. I called them kanina. Kasi naman puro relatives at tropa mo lang naman nasa baba eh"

"Oh kaya nga. Tara na"

"Okay"

Bumaba na kami ni kuya. Nalulungkot talaga ako kapag despidida.

"Oy maria pauline bakit binagsakan ka ata ng langit at lupa?" Sino pa nga ba ang nagsabi niyan? Edi si charms lang naman.

"Ano ka ba naman charms, di ka na nasanay everytime na aalis si kuya paulo at ganyan yan. Alam mo pau, okay lang yan. Atleast kasama mo ang parents mo"

Tama nga si cindy. Siya nga nakakaya na wala yung daddy niya. Nasa states din kasi yun at mas bihira umuwi yun kesa kay kuya.

"Sana nga ofw na lang din si mommy" sabi naman ni charms

"Hahaha. Edi walang magpapatakbo ng school?" Sabi naman ni cinds

"Tssss. Kaya nga sana eh. Nakakaperwisyo na kaya" sabi ni charms. Siya naman tong mukhang binagsakan ng langit at lupa.

"Is it about her boyfriend? Infairness medyo tumagal yan ah" sabi ko naman.

"I'm still waiting for their breakup"

Natatawa na lang din kami ni cindy sa rants nitong si charms.

SHORT STORY: A boy younger than meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon