Chapter 28

188 16 0
                                    

Chapter 28

“Saan ka galing?”

Tanong agad ni Zach ang bumungad sa’kin pagkarating ko galing sa aking pinuntahan. Dahil ngayon ay linggo nagpaalam kami kay Manang Koring na sasaglit lang sa labas para magsimba. Kasama ko ay si ate Risa at Kary.

Pero, nahuli ako ng dating dahil pinauna ko na silang dalawa dahil nagpunta pa akong plaza, sa tabi lang malapit sa simbahan. Doon ay nakipagkita ako kay Ruby para gawin ang research paper namin. Saglit lang naman rin ‘yun, discussion at palitan lang ng explanation para sa mga parts na ginawa namin, para naman ay may ideya kami sa gawa ng isat isa.

Pinagtaasan niya ako ng kilay.

“Nagsimba.” Sagot ko.

“Yeah. I heard from Kary. What I mean is, where have you been after that? Bakit ang dalawa ay nakauwi na at ikaw ay hindi pa?” parang ang dating sa’kin ay pinangangaralan niya ako.

Problema nito…?

“Nakipagkita ako—” pinutol niya ako.

“Nakipagkita ka?!” napalakas ang tono ng boses niya. “Kanino ka nakipagkita? Nakikipagkita ka na ngayon, Alisha? Bakit hindi ko—” pinutol ko rin siya sa pagsasalita niya.

“Pwede bang patapusin mo muna ako.”

“Aba’t sumasagot kana.”

“Ang OA mo naman kasi maka-react. Patapusin mo muna kaya ako, pwede? Nakipagkita ako sa kaklase ko, kay Ruby.”

“At saan naman kayo nagpunta?” naka-pamewang na siya ngayon sa harapan ko.

“Sa plaza sa tabi lang rin ng simbahan. Bakit?” nameywang rin ako sa harap niya.

“Sa susunod kasi, magpaalam ka muna sa akin kung aalis ka o may lakad kang katulad nito.”

“Paano ako magpapaalam kung tulog pa ang pagpapaalaman ko.” Tinaas ko siya ng kilay. “Tsaka nagpaalam naman kami kay Manang Koring, ah? Hindi ka ba nagtanong sa kanya?”

“Hindi…” mahina niyang sabi.

“Ayan…! Tapos ako ang…”

Natigil ako sa aking pagsasalita ng maramdam ko ang mga matang nakatingin sa amin dalawa, na para bang kanina pa nila kami pinanunuod. Nakumpirma nun’ang hinala ko nang tumingin ako sa may living room, sa may mahaba nilang sofa, kung saan nakita kung  nakaupo sa magkabilang dulo nun’ ang dalawa niyang kaibigan. Si Hans at Jake— na tulala sa nasaksihan niya sa amin.

“Ang ano…?” tanong ni Zach.

Parang hindi ko narinig ang sinabi ni Zach dahil natuon na ang buong atensyon ko sa dalawang taong nakatingin sa amin ngayon. Parang gusto ko nalang na bumuka ang kinatatayuan ko at lunukin ako nito, dahil sa hiyang naramdaman ko para sa aking inasta. Lalo na nang makita kung nakatingin na sa akin si Hans ngayon.

Yumuko ako para itago ang siguradong namumula ko nang magkabilang pisngi.

Bakit naman kasi hindi sinabi nitong Zach na ‘to na nandito pala ang mga kaibigan niya ngayon?! Kainis! Si Hans. Nakita niya…

“What?” tanong ni Zach ng matahimik ako bigla.

Nilingon niya ang mga kaibigan niya tsaka ko siya narinig na tumikhim. Nahiya rin siya siguro marahil.

“Wow…” reaksyon ng kaibigan niyang si Jake na tumayo pa sa kanyang kinauupuan at marahang ipinalakpak ang kamay.

Ngumiwi ako.

“Ganito na ba maglambingan ang mga kabataan ngayon?” tumawa si Jake sa sarili niyang sinabi.

Kumunot ang nuo ko, hindi naiintidihan ang ibig niyang sabihin doon.

My Personal YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon