Chapter 44

159 10 0
                                    

Chapter 44

"ZACHARY!"

Matapos kung pagbuksan ng pintuan ang mag-asawang Torres, ayun agad ang pang-bungad na sigaw ni Mr. Torres sa kanyang anak habang paakyat sila sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Nagulat ako at napapikit sa lakas ng sigaw niya na halos dumagongdong na ang kanilang buong bahay. Pati sila manang Koring na nasa dining room, na naghahain ng hapunan, ay nagulat rin at napalabas para silipin ang kung ano mang nangyayari.

Si ma'am Celine naman ay nakasunod sa likuran ng kanyang asawa at pinipigilan ito, sa kung ano mang maaaring gawin sa kanilang anak. Kahit nasa malayo ako ay kita ko ang galit sa mga mata ni Mr. Torres at parang puputok na ang litid nito sa kanyang leeg dahil sa nararamdamang galit nito.

Tinanaw ko ang ikalawang palapag na animo'y makikita ko roon ang kwarto ni Zach. Bumuntong hininga nalang ako at nagtungo na sa hapag para tumulong doon. Pero bago pa 'yun narinig ko pa muna ang paglagabog ng pagsara at pagsarado ng pintuan, kaya napatigil ako ng ilang segundo sa paglalakad at napaangat ang tingin doon.

"Ano ba kasing nangyayari kay Zach, Alisha? May alam ka ba rito?" may pag-aalalang tanong sa'kin ni Kary.

"Dahil pa ba rin 'to sa inyo, Alisha?" nakisali na rin si ate Risa.

Kinuha ko ang mga plato at kubyertos at isa-isa 'yung inilatag sa lamesa. "Hindi ko na alam, ate Risa." Malungkot akong ngumiti sa kanya.

May isang parte ng isip ko na nagsasabing ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan. Nagsimula siyang magkaganyan, nang gabing nag-away sila ng kaibigan niyang si Hans, eh.

"Tawagin na ba na'tin sila? Baka lumamig itong pagkain nila, eh." Nanghihinayang na sabi ni Kary habang nakangusong nakatingin sa mga pagkain na nakalagay sa hapag-kainan.

Maya-maya ay bumaba si ma'am Celine kaya napatuwid kami sa aming kinauupuan, si ate Risa ay napatayo pa nga. Makikita sa kanyang magandang mukha ang pag-aalala at pansin ko rin ang pagkataranta niya.

"Manang Koring... where's the first aid kit?" tanong niya habang nagtitingin sa mga kabinet doon.

Napatayo agad kami ni Kary at lumapit sa kanya. "Ma'am ako na po..."

"Oh, thanks, hija. Pakidala mo nalang sa taas okay...?" sabi niya at walang tingin-tinging umalis siya ulit at umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

"Ano kayang nangyari doon?" kuryos na tanong sa'kin ni Kary.

Nagkibit balikat ako sa kanya at naglakad na palabas ng kusina patungo sa hagdan, dala ang first aid kit na hinihingi ni ma'am Celine. Pagkasabi niya palang niyon kumalabog na agad ang dibdib ko sa kung anong pwedeng nangyari.

Pagtapak ko palang sa taas, sa huling palapag ng hagdan, rinig ko na agad ang ilang pagkabasag ng kanilang muwebles at ang kanilang mga malalakas na salita. Kaya imbes na magtutungo ako sa kwarto ni Zach dahil akala ko ay naroon sila, nagtungo ako sa daan ng kanilang opisina.

"... what? O c'mon, Mr. Torres, I didn't remembered the times na nagpaka-ama ka sa'kin!" galit at puno ng hinahakit na rinig kung sigaw ni Zach sa kanyang ama. "You've only care is your fucking company! How to make it expand more, how to make it always on the top! Right?! Company, company, fucking company..."

Napahinto ako sa paglalakad sa narinig kung sinabi ni Zach.

"I only wanted is your attention dad, your presence besides me, your love to your son to me... both of you mom... hindi ko 'yun naramdaman simula ng bata ako. I've always been waited to the both of you to come home at night, I always wanted to have a dinner with my parents, to cuddle with them before I fell asleep..."

My Personal YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon