Chapter 43

169 10 0
                                    

Chapter 43

Hininto ni Hans ang kanyang sasakyan sa harap lang ng gate ng bahay nila Zach. Nakabukas pa ang gate doon, na para bang may kakapasok palang na sasakyan do’n.

Tahimik ako, iniisip ko ang sinabi niya kanina. Ako? Gusto ko si Zach ng hindi ko namamalayan? ‘yun ba ‘yung minsang pagnakikita ko sila ni Cheska na magkasama? Selos ba ‘yun nararamdaman ko non? ‘yung biglang nawawala ang mood ko o biglang bumibigat ang pakiramdam ko dahilan lang nakita ko silang nag-kiss na dalawa?

Bakit hindi ko ‘yun napansin, ang ibig kung sabihin ay siguro tama nga si Hans. Na nararamdaman ko ‘yun pero bigla ko rin 'yung ipagsasawalang bahala at ibabaling ang pansin sa ibang bagay.

Si Cheska… siguro isa siya sa ikinukunsidera ko rin na dahilan nang pagbigil ko sa nararamdaman ko para kay Zach. Ayaw ko kasing mag-away kami kung gusto niyang sa kanya si Zach…

Wala sa sariling umiling ako sa iniisip ko. Malalim akong bumuntong hininga na siyang ikinalingon sa’kin ni Hans.

“Try to know your feelings to Zach, Alisha. Don’t stop yourself to feel what you felt to Zach. All you have to do is welcoming it.” Ngumiti siya sa’kin.

“Pero…”

“And, I know Zach already confessed his feeling for you, right?”

Tumango ako sa kanya.

“Then…” nagkibit siya ng balikat niya at hindi na dinugtuan ang salita niya.

Binuksan niya ang pintu ng sasakyan niya sa side niya at lumabas, ginaya ko rin siya at gano’n din ang ginawa ko. Pagkalabas ko ay binuksan ko naman ang backseat ng kanyang sasakyan at kinuha roon ang mga gamit ko. Tinulungan niya naman ako roon sa mga gamit ko sa pagkuha sa sasakyan niya ‘tsaka kami magkasabay na naglakad patungo sa gate ng bahay nila Zach.

Nang makapasok na kami sa gate hindi pa man kami nakakailang hakbang, ay napahinto ako sa paglalakad ng bigla niyang hawakan ang braso ko, pinipigilan ako sa paglalakad.

Napalingon ako kay Hans na may nagtatanong na tingin sa kanya pero hindi siya nakatingin sa’kin, kundi sa aking likuran. Akmang lilingunin ko na ang kanyang tinitingnan nang hinila niya ako palapit sa kanya at sabay lapit ng mukha niya sa’kin.

Hindi ko inaasahan ‘yun, sapat lang naman ang layo ng distansiya ng mukha niya sa’kin pero kung titingnan mo sa malayo ay pagkakamalan mong nag-kikiss kami.

Tumaas ang isa niyang kamay at inihawak niya ‘yun sa aking leeg. Kinilabutan ako roon, umawang ang aking labi. Bahagya rin niyang tinagilid ang kanyang mukha sa’kin, kaya kung sino man ang makakakita sa amin ngayon, ay tiyak na ang unang papasok sa isip nila ay naghahalikan kami!

Suminghap ako. “Hans…?” umatras ako pero hinila niya pa ulit ako lalo palapit sa kanya tapos ay bahagya siyang tumingin na naman sa likuran ko.

“Do you want to know if Zach is really sincere about his feelings to you?” tanong niya na mas inilapit niya pa ang mukha niya sa’kin.

“Huh? Ano… Hans?” hindi ko na maintindihan ang sinasabi ko. Lito at naguguluhan ako sa mga ikinikilos niya ngayon.

Natawa siya ng marahan ng makita ang kalituhan sa aking mukha. Akmang may sasabihin pa sana siya sa’kin, nang walang ano-ano’y ang sunod ko nalang nakita ay ang pagbagsak niya sa semento.

“Fuck you!”

Malutong na mura ni Zach, sa kanyang kaibigan, na ngayon ay nakatayo na sa aking harapan. Mariing nakakuyom ang kanyang magkabilang kamao habang mabilis at malamin ang paghugot niya ng hininga, tanda ng pinipigilang sobrang pagkagalit sa kanyang kaibigan.

My Personal YayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon